Sa Pinterest, ang aming misyon ay magdala ng inspirasyon sa lahat para gawin ang buhay na gustong-guso nila, at ito ang aming inspirasyon sa paggawa ng draft at pagpapatupad ng aming mga patakaran sa nilalaman. 

Hindi lahat ng nasa internet ay nagbibigay ng inspirasyon, kaya mayroon kaming mga limitasyon sa tinatanggap sa Pinterest at hindi pinapayagan. Ang aming mga kasanayan sa pag-moderate ay palaging nagbabago para makasunod sa mga bagong gawi at trend at para gumawa ng mas magandang lugar sa internet para sa mga tao na nasa aming platform. Nagpapatuloy kaming mabuti na mag-invest sa mga hakbang na tulad ng machine learning technology para labanan ang content sa Pinterest na lumalabag sa patakaran. Patuloy din kaming nakikipagtulungan sa mga eksperto at organisasyon sa labas para bigyan ng impormasyon ang aming mga patakaran at mga kasanayan sa pag-moderate ng content.

Sinimulan naming mag-publish ng transparency report nang dalawang beses sa isang taon noong 2013, at sinimulang palawakin ito simula Q4 2020 para magsama ng higit pang impormasyon sa mga aksyon na ginagawa namin para suportahan ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Sa transparency report na ito, makakahanap ka ng impormasyon sa aming mga pagsusumikap na mapanatiling ligtas at nagbibigay ng inspirasyon ang aming platform, tulad ng bilang ng mga pag-deactivate ng Pin at account. Kasama rin dito ang insight sa dami ng impormasyon at mga deactivation request na natanggap namin mula sa nagpapatupad ng batas at mga entity ng gobyerno. Sakop ng report ang unang kalahati ng 2023, mula Enero hanggang Hunyo 2023, at may kasamang mahigit sa 400 natatanging mga data point.

Pinagyayaman ng mga patakaran at kasanayan ng Pinterest na nangunguna sa industriya ang inclusivity, kaligtasan at mas positibong online experience. Mula sa mga desisyon tulad ng pagbabawal ng mapaminsalang maling impormasyon at lahat ng pampulitikang campaign ad hanggang sa pananawagan sa industriya na magkaisa sa karaniwang layunin na gawing mas ligtas at mas maayos na lugar para sa lahat ang internet, kung saan ang Pinterest ang nangunguna. Gusto naming umusad ang industriya sa mga isyung ito para—sama-sama—makakagawa tayo ng mas positibong internet.

Ano ang bago sa report na ito

Sa nakaraang kalahati, mas pinadali naming mag-report ng nilalaman, mga board o account, at pinalawak ang mga opsyon na maaaring pagpilian ng taong nagpa-file ng report. Halimbawa, mas madali na ngayong makakapag-report ang mga user ng mga account at mga indibiduwal na board, at tukuyin ang mas granular na mga paglabag ng patakaran.

Dagdag pa rito, nag-launch kami ng mga update sa platform na gumagamit mga bagong machine learning model, ni-refine ang aming enforcement para makita ang masasamang tao, at dinagdagan ang aming trabaho sa mga third party na makakatulong na makatukoy ang maling paggamit ng platform sa Pinterest. Ang kaligtasan ng aming mga user ay palaging magiging pinakamahalagang prayoridad namin, at magpapatuloy kaming sa aming ginagawa at investment sa bahaging ito.

Gaya ng palagi, nananatili kaming committed sa pagbibigay ng transparency sa kung paano namin pinapanatiling ligtas at positibo ang Pinterest, at magpapatuloy kaming ulitin ito sa report na ito magmula ngayon.

Kaligtasan at kapakanan ng komunidad

Patuloy kaming namumuhunan sa aming mga patakaran, produkto at pakikipagtulungan para suportahan ang kaligtasan at kapakanan ng aming komunidad. Narito ang ilan lang sa mga pangunahing update na ginawa namin sa unang kalahati ng 2023.

Impact Report na Pangkapaligiran, Panlipunan at Kaugnay sa Pamamahala

Noong Pebrero, ibinahagi ng Pinterest ang una nitong Impact Report na Pangkapaligiran, Panlipunan at Pamamahala (Environmental, Social, and Governance, ESG). Sa temang “Inspiring a Better Future”, binibigyang-diin ng report ang mga pangunahing inisiyatiba at milestone sa nakalipas na dalawang taon na nagpapakita kung paano nagsusumikap ang Pinterest na maging positibong puwersa para sa kabutihan sa aming negosyo at sa mga komunidad.

Creator Inclusion Fund

Noong Abril, pinalawak namin ang aming Creator Inclusion Fund sa limang bagong bansa: Canada, Germany, Austria, Switzerland, at France. Ang Fund ay incubator program ng Pinterest para itaas ang mga Creator mua sa dating mga marginalized na komunidad sa pamamagitan ng pinansyal at edukasyonal na suporta. Sinimulan noong 2021 ang programa dahil nakita ng Pinterest ang pangangailangang iangat ang mga Creator mula sa mga komunidad na hindi proporsyon na kinakatawan – kabilang ang Black, Latiné, LGBTQIA+, Asian, mga Indigenous na tao at mga taong may mga kapansanan. Simula sa pagtatatag nito, nagbigay ng suporta ang programa at daan sa tagumpay sa mahigit 100 Creator mula sa US, UK at Brazil sa Fashion, Pampaganda, Pamumuhay, Pagiging Nasa Mabuting Kalusugan at Pagkain. Nakatanggap sila ng pagsasanay at malalim na mga insight ng industriya mula sa mga eksperto sa larangan, naka-personalize na pagkonsulta at pinansyal na mga gawad sa cash at mga ad credit.

Kaligtasan ng Teenager

Noong Abril, nagpakilala rin kami ng mga bagong feature at tool para protektahan ang personal na space at kaligtasan ng mga teen sa Pinterest. Para sa mga teenager na wala pang 16, kasama rito ang pribadong profile settings bilang default at paggawa ng mga board at Pin na makikita lang ng mga follower na aprubado ng mga user na ito. Dagdag pa rito, binigyan namin ang mga caregiver ng kakayahang humingi ng passcode para baguhin ang ilang settings ng account para sa kanilang mga teenager at pinalawak ang aming proseso ng pag-verify ng edad.

Inspired Internet Pledge

Noong Hunyo, na-announce ng Pinterest ang suporta nito sa Inspired Internet Pledge. Ang pledge, na ginawa ng Digital Wellness Lab sa Boston Children's Hospital sa pakikipagtulungan sa Pinterest, ay panawagan ng aksyon na magkaisa ang mga tech company at ang mas malawak na digital ecosyste na may iisang layunin na gawing mas ligtas at mas maayos na lugar para sa lahat ang internet, lalo na sa mga bata. Ang Inspired Internet Pledge ay nagbibigay ng framework para gumawa ang mga kumpanya ng makabuluhan at masusukat na mga aksyon para suportahan ang positibong mga resulta ng pangkaisipan at pang-emosyonal na kapakanan sa online at offline. Sa pamamagitan ng sinasadyang pagbibigay ng prayoridad sa pangkaisipang kapakanan at pang-emosyonal sa mga pagsusumikap na ito, ginagabayan ng pledge na ito ang mga kalahok na kumpanya na tugunan ang kasalukuyang krisis sa kalusugan ng isip nang may kaakibat na pananagutan.

Pagpapatupad ng Mga Alituntunin ng Komunidad

Ang Mga Alituntunin ng Komunidad ay dinisenyo para suportahan ang aming misyon sa inspirasyon. Pinamamahalaan ng mga ito ang dapat at hindi dapat payagan sa Pinterest, at dapat sumunod sa mga ito ang lahat ng user. 

Mayroon kaming mga karagdagang Alituntunin para sa mga merchant at mga advertiser para magtakda ng malinaw na mga aasahan tungkol sa tinatanggap at hindi tinatanggap para sa mga Pin at pag-a-advertise ng produkto. Kasama sa mga Alituntuning ito ang partikular na mga mataas na mga pamantayan na para sa kaligtasan ng lahat ng audience na gumagamit ng Pinterest. Naniniwala kaming hindi ka magkakaroon ng inspirasyon kung hindi mo muna mararamdamang ligtas ka.

Para tulungan kaming bumuo ng ligtas at may inspirasyon na community, bumubuo at nagpapatupad kami ng mga patakaran sa nilalaman na tumutulong na tiyaking magandang lugar ang platform namin kung saan mahahanap ng mga tao ang may mga ideya sa tunay na buhay para sa kung ano ang susunod na susubukan, susunod na iluluto, susunod na isusuot o susunod na gagawin. Nagsusumikap kami para matukoy at ma-deactivate ang mapaminsalang nilalaman mula sa aming site, at ang aming patakaran sa content at mga kasanayan sa pag-moderate ay palaging nagbabago para makasunod sa mga bagong gawi at trend.

Posible naming i-block, limitahan ang pamamahagi ng o i-deactivate ang content at ang mga account, indibiduwal at mga grupong gagawa o magkakalat ng content na batay sa kung gaano ito makakapinsala. Kung sa paniwala ng user na mali ang pag-deactivate, nagbibigay ang Pinterest ng mga opsyon na iapela ang pag-deactivate, kung saan naaangkop.

 

Pamamaraan
Mga na-deactivate na natatanging larawan at Pin

Araw-araw, milyun-milyong tao sa buong mundo ang pumupunta sa Pinterest para gumawa, tumuklas at mag-save ng mga bagong ideya na ibinahagi sa mga Pin. Para maintindihan kung paano namin pinamamahalan ang pag-moderate ng content, makakatulong kung malalaman ang pagkakaiba sa dalawang uri ng Pin: mga organic Pin at mga ad. Naaangkop ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad sa pareho.

Kasama sa mga Organic Pin ang lahat ng Pin na ginawa at na-save sa Pinterest na hindi pino-promote bilang mga ad. Halimbawa, maaaring may kasama itong mga Pin ng produkto ng mga merchant, na hindi palaging mga ad at maaaring lumabas sa organic na paraan sa mga tao na naghahanap ng mga produkto o pina-follow ang kanilang mga interes sa Pinterest. Mayroon kaming mga karagdagang requirement para sa mga merchant at mga Pin ng produkto nila, tulad ng dapat naipapakita nang tama ng image at paglalarawan ng Pin ang produkto. Ang lahat ng uri ng organic Pin na inaksyunan sa ilalim ng aming Mga Alituntunin ng Komunidad ay kasama sa aming mga transparency report.

Ang mga ad ay mga Pin na binabayaran ng mga negosyo para mag-promote. Mayroon kaming mga karagdagang patakaran para sa mga advertiser na pinananagot ang mga ad at advertiser sa mas mataas na mga pamantayan. Ang mga patakaran sa ad ay ipinapatupad nang iba sa organic content, at hindi kasama sa mga transparency report na ito.

Karamihan sa nilalaman sa Pinterest ay paulit-ulit na na-save, ibig sabihin, puwedeng lumabas ang parehong image sa maraming Pin. Kaya pagdating sa mga aksyon sa pagre-report na ginagawa namin sa mga organic Pin ayon sa aming mga patakaran, isinasama namin ang bilang ng na-deactivate na mga Pin pati rin ang bilang ng na-deactivate na magkakaibang image para magbigay ng mas magandang insight sa aming mga kasanayan sa pag-moderate para sa ganitong uri ng nilalaman.

Magkahiwalay naming nire-report ang mga na-deactivate na board at account. Ang mga board ay kung saan sine-save, kinokolekta, at inaayos ang iyong mga Pin. Para iwasan ang dobleng pagbilang ng mga pag-deactivate, hindi kasama sa aming bilang ng mga natatanging larawan at na-deactivate na Pin ang mga nasa board o na mula sa mga user account na na-deactivate.

Gumamit ng ibang pamamaraan sa isa pang na-publish kamakailan na report, sinusunod ang gabay ayon sa regulasyon para sa Digital Services Act (DSA) Transparency Report ng European Union. Naniniwala kami na ang pamamaraan na ibinibigay sa aming Global Transparency Report ay nagbibigay ng pinaka nakakatulong na mga insight at nauugnay na konteksto sa kung paano namin ipinatutupad ang aming mga patakaran.

Paano namin dine-deactivate ang mga Pin

Dine-deactivate namin ang mga Pin na lumalabag sa patakaran sa pamamagitan ng mga automated tool, manu-manong pagsusuri at hybrid approach na pinagsasama ang parehong element.

Mga automated na pag-deactivate. Gumagamit ang aming mga automated tool ng kombinasyon ng mga palatandaan para matukoy at gawan ng aksyon ang posibleng lumalabag na nilalaman. Halimbawa, nagbibigay ng mga score ang aming mga machine learning model sa nilalaman na dinadagdag sa aming platform. Magagamit ng aming mga automated tool ang mga score na iyon para gawin ang mga naaangkop na enforcement action.

Mga manu-manong pag-deactivate. Manu-mano naming dine-deactivate ang mga Pin sa pamamagitan ng aming proseso ng pagsusuri sa pamamagitan ng tao. Ang mga na-deactivate na Pin sa pamamagitan ng prosesong ito ay maaaring may kasamang mga internal na nakita at ang mga ni-report sa amin ng mga third party. Kasama rin dito ang mga Pin na sinuri at na-deactivate ng isa sa mga miyembro ng aming team pagkatapos ng pag-report ng user.

Mga hybrid na pag-deactivate. Kasama sa mga hybrid na pag-deactivate ang mga natutukoy ng miyembro ng team na lumalabag sa patakaran ang Pin, at tumutulong ang mga automated system na mapalawig ang desisyong iyon para ipatupad sa mga tumutugmang Pin na natukoy ng machine. Depende sa dami ng mga tumutugmang Pin, maaaring magresulta ang hybrid na pag-deactivate sa maraming made-deactivate na Pin o wala.

Maaaring mag-iba ang mga mekanismong ginagamit para matugunan ang iba't ibang posibleng paglabag sa patakaran batay sa katayuan ng available na teknolohiya, ang dami ng lumalabag na nilalaman at iba pang dahilan tulad ng hirap ng pagsusuri. Patuloy naming binabalikan at binabago ang aming mga tool at inaasahan ang patuloy na mga pagpapahusay magmula ngayon.

Ang mga pag-deactivate para sa kategorya ng patakaran ay maaaring hindi mabuo sa 100% dahil sa pag-round off.

Na-deactivate na Naabot ng mga Pin dahil sa paglabag sa patakaran

Madalas tinatanong mga tao, ilang user ang nakakita sa Pin bago ito na-deactivate? Sa karamihan ng sitwasyon, ang sagot ay: hindi marami.

Halimbawa, 91% ng mga Pin na na-deactivate namin para sa mapanganib na mga produkto at aktibidad noong Q1 2023 ay hindi kailanman nakita ng mga user sa reporting period na ito—kahit na daan-daan at milyun-milyong tao ang bumibisita sa Pinterest kada buwan.

Ang naaabot ay isa sa aming mga pangunahing tagasaad ng karanasan ng user. Para kalkulahin ang metric na ito, nagsisimula kami sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat Pin na na-deactivate sa reporting period dahil sa paglabag sa patakaran. Pagkatapos, binibilang namin ang dami ng iba't ibang user na nakakita ng bawat Pin na iyon sa reporting period nang hindi bababa sa 1 segundo bago ito na-deactivate. Ang naaabot para sa kategorya ng patakaran ay maaaring hindi magkaroon ng kabuuang 100% dahil sa pag-round off.

Mga user report na inaksyunan

Puwedeng i-report ng mga user ang mga Pin na sa tingin nila ay lumalabag sa mga patakaran namin sa pamamagitan ng pag-click sa tatlong maliliit na tuldok sa anumang Pin at pagpindot sa “I-report ang Pin.” Kapag nakumpirma na naming nilalabag ng item ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad at gumawa ng naaangkop na aksyon, itinuturing namin ang report bilang inaksyunang report ng user.

Ang kabuuang bilang ng mga inaksyunang report ng user ay isa pang indikasyon ng user experience sa Pinterest. Gayundin ang bilang ng mga nagre-report: mas kaunti sa 0.03% ng mga aktibong user buwan-buwan ang nag-report ng Pin na nag-resulta sa pag-deactivate ng Pin noong Q1 2023.

Mga na-deactivate na board

Kapag may nakitang mga Pin ang mga user na gusto nila o gusto nilang balikan, puwede nilang i-save ang mga ito sa mga board na ginawa nila. Sa katagalan, nakagawa ng bilyun-bilyong board ang aming mga user. 

Kapag na-deactivate ang isang board dahil sa paglabag sa patakaran, dine-deactivate rin ang lahat ng Pin sa board na iyon. Gayundin, kapag nag-deactivate kami ng buong account, ide-deactivate rin ang mga board ng user na iyon. Para maiwasan ang dobleng pagbilang ng mga pag-deactivate, hindi kasama sa aming pagbilang ng mga na-deactivate na board ang mga mula sa mga na-deactivate na user account.

Mga account na na-deactivate

Isipin ang “mga account” sa Pinterest bilang “mga profile” o, pinakamadalas ay mga indibiduwal na user. Kung mayroong magse-save ng mga Pin at gagawa ng mga board, magiging nauugnay sa account ang content – ito man ang account o account para sa negosyo, advertiser, merchant o creator. Ang mga Board at Pin ay puwedeng maging pribado, ibinabahagi sa limitadong bilang ng iba pang account, o nakikita ng publiko.

Anumang account, anuman ang settings ng privacy, ay maaaring ma-deactivate dahil sa paglabag ng aming mga patakaran. Kapag na-deactivate ang isang account, made-deactivate din ang lahat ng Pin at board nito. Ibig sabihin, kung hahanapin mo ang mga ito o kung magki-click ka sa dati nang link sa profile nila, hindi na lalabas ang profile na iyon. Hindi na lalabas ang mga Pin nila kahit saan sa Pinterest. At hindi na rin maa-access ng na-deactivate na user ang sarili nilang mga Pin o board.

Mga pag-apela at pagbalik ng account

Kung sa tingin ng mga tao na-deactivate nang mali ang kanilang mga account, puwede silang umapela para maibalik ang kanilang mga account. Sinusuri namin ang mga request sa pag-apela at pinagbibigyan ang apela kung malalaman naming nagkamali kami, o sa ilang mga sitwasyon para bigyan ng isa pang pagkakataon ang mga tao na sumunod sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad.

Pinoproseso rin namin ang mga apela para sa mga na-deactivate na Pin at board at inaasahang isasama sa hinaharap ang data na iyon gaya ng inuulit namin sa report na ito.

Mga reporting period

Sakop ng aming reporting sa pagpapatupad ng Mga Alituntunin ng Komunidad sa transparency report na ito ang unang kalahati ng 2023, mula Enero hanggang Hunyo 2023. Hinati namin ang panahon na iyon sa dalawang reporting period: Q1 at Q2.

Sakop ng Q1 sa unang quarter ng taon, mula Enero hanggang Marso, habang sakop ng Q2 ang pangalawang quarter ng taon, mula Abril hanggang Hunyo. Minsan tinitingnan din namin ang Q3 (Hulyo hanggang Setyembre) o Q4 (Oktubre hanggang Disyembre) kapag pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga trend sa bawat quarter.

Nilalaman na para sa nasa hustong gulang

Ang Pinterest ay hindi lugar para sa pornograpiya. Gumagawa kami ng aksyon laban sa nilalaman na lumalabag sa aming patakaran sa nilalaman na para sa nasa hustong gulang at hindi nagbibigay ng mga resulta para sa mga paghahanap na lumalabag sa patakaran na ito. Ginagawa namin ang aming makakaya para ipakita ang kaibahan ng ponograpiya at iba pang nilalaman na maaaring may kasamang ilang nudity. Halimbawa, hindi namin pinagbabawalan ang mga user sa pag-save ng nilalaman tungkol sa pagpapasuso o mga masectomy.

Mga kamakailang trend

Nag-deactivate kami ng mas kaunting Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito noong Q1 2023 kaysa sa Q2 2023. Sa mga Pin na na-deactivate namin noong Q2, 98% ang nakita ng 100 o mas kaunting user sa reporting period na ito. Pinalawak namin ang aming mga pagsusumikap para matukoy ang mas maraming paglabag ng account sa panahong ito, na humantong sa mas maraming pag-deactivate ng account kasama ang ilang maling pag-deactivate na sa huli ay binaliktad.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naabot* ng mga na-deactivate na Pin para sa nilalaman na para sa nasa hustong gulang

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 66% 67%
Nakita ng 1-9 na user 27% 27%
Nakita ng 10-100 user 5% 4%
Nakita ng >100 user 2% 2%

* Tingnan ang aming seksyon ng pamamaraan sa itaas para sa mga detalye kung paano namin kinakalkula ang naaabot.

Noong Q1 2023, na-deactivate namin ang 2,439,235 natatanging mga larawan, na binubuo ng 29,396,667 Pin, dahil sa paglabag sa patakarang ito. Sa mga Pin na ito, 93% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Manu-mano kaming nag-deactivate ng mas kaunti sa 1% at mahigit 99% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 102,282 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Na-deactivate rin namin ang 42,679 na board at 29,703 account. Nakatanggap kami ng 4,544 na apela sa account at ibinalik ang 3,511 account.

Noong Q2 2023, nag-deactivate kami ng 874,125 natatanging mga larawan, na binubuo ng 47,644,063 Pin, dahil sa paglabag sa patakarang ito. Sa mga Pin na ito, 94% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Manu-mano kaming nag-deactivate ng mas kaunti sa 1% at mahigit 99% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 4,940 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nag-deactivate rin kami ng 49,262 board at 17,172 account dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nakatanggap kami ng 3,409 na apela sa account at ibinalik ang 1,769 na account.

Mga sekswal na serbisyo para sa nasa hustong gulang

Ipinagbabawal namin ang mga sekswal na serbisyo sa Pinterest. Maaaring kasama sa mga sekswal na serbisyo ng nasa hustong gulang ang sexual exploitation o commercial sex work, gaya ng escort services, sex cams, o sex o paghuhubad kapalit ng pera.

Mga kamakailang trend

Nag-deactivate kami ng marami pang board noong Q2 2023 kaysa noong Q1 2023. Ang pag-launch ng pinalawak na mga opsyon sa pagre-report para sa mga board ay humantong sa nadagdagang mga pag-deactivate ng board sa kategoryang ito, at katumbas na pagbawas sa mga pag-deactivate ng mga indibiduwal na Pin. Bagaman ang lahat ng Pin sa na-deactivate na board ay dina-deactivate rin, hindi namin isinasama ang mga ito sa aming kabuuang mga pag-deactivate ng Pin para maiwasan ang dobleng pagbilang sa report na ito. Sa mga Pin na na-deactivate namin noong Q2, 99% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naaabot ng mga Pin na na-deactivate dahil sa mga sekswal na serbisyo ng nasa hustong gulang

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 50% 97%
Nakita ng 1-9 na user 41% 2%
Nakita ng 10-100 user 6% <1%
Nakita ng >100 user 2% <1%

Noong Q1 2023, na-deactivate namin ang 25,449 na mga natatanging larawan, na binubuo ng 324,748 Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Sa mga Pin na ito, 91% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Manu-mano kaming nag-deactivate ng mas kaunti sa 1% at mahigit 99% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 142 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nag-deactivate rin kami ng 88 board at 365 account. Nakatanggap kami ng 9 na apela sa account at ibinalik ang 1 account.

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 8,308 natatanging mga larawan, na binubuo ng 10,045 Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Sa mga Pin na ito, 99% ay nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Na-deactivate namin nang manu-mano ang ang mas kaunti sa 1% at mahigit sa 99% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 80 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Na-deactivate rin namin ang 2,837 board at 955 account dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nakatanggap kami ng 153 apela sa account at ibinalik ang 7 account.

Kaligtasan ng bata

Hindi tinatanggap ng Pinterest ang anumang uri ng sekswal na pananamantala sa bata (child sexual exploitation, CSE) sa aming platform. Ibig sabihin nito, nagpapatupad kami ng mahigpit at zero-tolerance na patakaran para sa anumang nilalaman—kabilang ang mga image, video, o text—o mga account na maaaring manamantala o ilagay sa panganib ang mga menor de edad. Ang pagtukoy at pag-alis sa ganitong uri ng content ay napakahalaga, at magpapatuloy kaming mag-invest nang mabuti sa larangang ito. 

Ipinagbabawal ng patakaran sa Kaligtasan ng Bata ng Pinterest hindi lang ang ilegal na child sexual abuse material (CSAM), pero pinaiigting pa ang pagbabawal ng anumang content na nagdudulot ng sexualization ng mga menor de edad. Halimbawa, ipinagbabawal namin ang sinasadyang maling paggamit ng nialalaman na nagpapakita ng mga menor de edad na kasali sa mga aktibidad na hindi sekswal, tulad ng pagmo-modelo ng damit o pagsali sa athletics. Hndi rin namin tinatanggap ang nilalaman na nagmumungkahi ng pag-sexualize ng mga menor de edad sa anyo ng mga cartoon o anime. 

Maagap naming tinutukoy ang mga CSE image at video sa pamamagitan ng paggamit ng sarili naming mga internal tool at nakabahaging mga industry resource tulad ng PhotoDNA, na gumagamit ng shared industry hash database ng kilalang CASM at CSAI Match para matukoy ang video content. Mahigpit din kaming nakikipagtulungan sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC) para labanan ang ganitong uri ng aktibidad, at nire-report ang mga paglabag sa nilalaman​​ ayon sa kinakailangan sa ilalim ng batas. Mula Enero hanggang Hunyo 2023, ang aming team ng mga specialist ang gumawa ng 34,203 CyberTipline report sa NCMEC.

Isang note sa kung ano ang nire-report namin at bakit

Ang CSE ay isa sa pinaka seryosong mga panganib na tinutugunan ng mga Trust and Safety team sa Pinterest at sa buong Internet. Dahil sa pagiging sensitibo na ito, kailangan nito ng karagdagang pagsasaalang-alang habang nagdedesisyon kami kung paano ipapakita ang impormasyon sa report na ito. Pagkatapos kumonsulta sa mga eksperto sa industriya, sa huli, pinili ng Pinterest na isama ang lahat ng parehong metrics para sa CSE na isinasama namin para sa aming iba pang mga patakaran sa nilalaman, kasama ang mga report tungkol sa naaabot at inaksyunang user. Ang ganitong mga uri ng metrics ay ang aming tagasaad ng kung paano nakakaapekto ang nilalaman na lumalabag sa patakaran sa karanasan ng mga user sa site. Gayunpaman, gusto naming maging napakalinaw: Sa pagbabahagi ng mga report tungkol sa naaabot at inaksyunang user para sa nilalaman na CSE, hindi namin ipinapahiwatig sa anumang paraan na nababawasan kahit papaano ang pinsala sa mga bata kung mas kaunting tao ang nakakakita nito. Lumalabag at mali ang nilalaman, ilan mang tao ang makakita nito. Ibinabahagi lang namin ang data para maging malinaw sa aming mga pagsusumikap na alisin ang CSE sa aming platform. 

Binibilang din namin ang lahat ng pag-deactivate para sa CSE, anuman ang iba pang mga aksyon na ginawa laban sa Pin, board o user. Halimbawa, kung awtomatikong na-deactivate ang Pin—ibig sabihin walang makakakita nito sa platform—dahil sa paglabag sa aming patakaran sa Spam ngunit sa kalaunan ay malalaman namin na may materyal ito na lumalabag sa aming patakaran sa CSE, binibilang ang Pin sa pareho naming mga bilang sa pag-deactivate dahil sa Spam at CSE. Bagaman hindi nakikita o naa-access ang Pin na iyon sa Pinterest, kailangan pa rin naming gumawa ng aksyon, tulad ng pagre-report sa NCMEC kung malalaman naming ilegal na CSAM ang larawan na iyon. Isinama namin ang mga pag-deactivate sa aming pagre-report sa CSE para magbigay ng mas tamang insight sa mga paglabag na iyon, kahit na minsan ay maaari itong magresulta sa pagbilang ng isang Pin sa ilalim ng dalawang magkaibang mga kategorya ng patakaran. Mahalaga ring tandaan na makakakita ng mas mataas na bilang ng mga pagbabalik ng account sa bahaging ito dahil unang nagkakamali ang aming patakaran sa pag-deactivate kapag posibleng may isyu sa kaligtasan ng bata, at para tugunan ang mga apela gaya ng naaangkop.

Nagdagdag kami ng mga karagdagang mapagkukunan sa aming mga pagsusumikap sa Kaligtasan ng Bata sa unang kalahati ng 2023, kasama ang pagpapalawak ng aming suporta sa pag-moderate. Habang nagsusumikap kaming mabuti na hanapin at alisin ang ganitong uri ng nilalamant, palaging maraming kailangang gawin—at nakatuon kaming gawin ito.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naaabot ng mga Pin na na-deactivate dahil sa sekswal na pananamantala sa bata (child sexual exploitation, CSE)

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 65% 83%
Nakita ng 1-9 na user 26% 14%
Nakita ng 10-100 user 6% 2%
Nakita ng >100 user 3% <1%

Noong Q1 2023, na-deactivate namin ang 8,393 natatanging mga larawan, na binubuo ng 1,846,326 na Pin, dahil sa paglabag sa patakaran sa CSE. Sa mga ito, nalaman namin na ang 2,348 natatanging mga larawan, na binubuo ng 23,479 na Pin ay illegal na CSAM, at ni-report ang mga ito sa NCMEC. Sa kabuuang Pin na na-deactivate ngayong quarter para sa CSE, 91% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Manu-mano kaming nag-deactivate ng mas kaunti sa 1% at mahigit 99% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 5,726 na user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Na-deactivate rin namin ang 17,715 board at 63,761 account. Nakatanggap kami ng 8,524 na apela sa account at ibinalik ang 3,925 account. 

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 9,691 natatanging mga larawan, na binubuo ng 3,877,286 na Pin, dahil sa paglabag sa patakaran sa CSE. Sa mga ito, nalaman na 1,071 natatanging mga larawan, na binubuo ng 16,336 na Pin, ay ilegal na CSAM, at ni-report namin ang mga ito sa NCMEC. Sa kabuuang Pin na na-deactivate ngayong quarter para sa CSE, 97% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Manu-mano kaming nag-deactivate ng mas kaunti sa 1% at mahigit 99% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 3,896 na user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Na-deactivate rin namin ang 48,039 na board at 172,633 account dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nakatanggap kami ng 20,136 na apela sa account at ibinalik ang 9,874 na account.

Maling impormasyon na pansibiko

Ang aming pansibikong patakaran sa maling impormasyon ay isa sa maraming patakaran sa aming mga alituntunin ng Komunidad na nagbabawal sa maling impormasyon at disinformation sa Pinterest. Ipinagbabawal ng patakarang ito ang mali o nakakalinlang na nilalaman sa Pinterest na humahadlang sa integridad ng eleksyon o sa paglahok ng indibiduwal o grupo ng mga tao, kabilang ang pagpaparehistro para bumoto, pagboto at mabilang sa sensus. Higit pa rito, simula 2018 ipinagbawal namin ang mga pampulitikang ad, at hindi rin namin mino-monetize ang nilalaman na may kaugnayan sa mga eleksyon.

Mga kamakailang trend

Palaging kumplikado at nagbabago ang paglaban sa maling impormasyon. Ang mga bilang ng pag-enforce sa nilalaman sa bahagi ng patakarang ito ay partikular na mahina sa mga pagtaas at pagbaba bawat quarter depende sa mga pangyayari sa tunay na mundo, tulad ng mga rehiyonal na eleksyon. Sa mga Pin na na-deactivate namin noong Q1, 99% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naaabot ng mga Pin na na-deactivate dahil sa maling impormasyon na pansibiko

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 71% 67%
Nakita ng 1-9 na user 27% 26%
Nakita ng 10-100 user <1% 2%
Nakita ng >100 user 1% 6%

Noong Q1 2023, dineactivate namin ang 93 natatanging mga larawan, na binubuo ng 2,545 Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 98% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Na-deactivate namin nang manu-mano ang 20% ng mga Pin at 80% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Ginawan namin ng aksyon ang 39 na user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Na-deactivate rin namin ang 6 na board at 3 account. Nakatanggap kami ng 1 apela sa account at ibinalik ang 0 account.

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 162 natatanging mga larawan, na binubuo ng 1,425 Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 93% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Na-deactivate namin nang manu-mano ang 12% ng mga Pin at 88% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 80 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Na-deactivate rin namin ang 46 na board at 15 account dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nakatanggap kami ng 5 apela sa account at ibinalik ang 3 account.

Maling impormasyon sa klima

Ipinagbabawal ng aming patakaran sa maling impormasyon tungkol sa klima ang nilalaman na itinatanggi ang pagkakaroon o mga epekto ng climate change pati rin ang mali o nakakalitong nilalaman tungkol sa mga natural na sakuna at labis na mga pangyayari sa panahon. Ang patakarang ito ay isa pa ring hakbang sa journey ng Pinterest na labanan ang maling impormasyon at gumawa ng ligtas na lugar online. Nakikipagtulungan kami sa mga eksperto sa klima, kasama ang Climate Disinformation Coalition at ang Conscious Advertising Network, para tumulong na magbigay ng kaalaman tungkol sa aming patakaran at mga kasanayan sa pagpapatupad batay sa mga karaniwang tema ng maling impormasyon na nakikita nila sa mga platform.

Mga kamakailang trend

Nag-deactivate kami ng mas maraming Pin dahil sa paglabag sa aming patakaran sa maling impormasyon tungkol sa klima noong Q1 2023 kaysa noong Q2 2023. 

Nalaman namin na apat sa natatanging mga larawan ang na-deactivate noong Q1 2023 at tatlong natatanging mga larawan na na-deactivate noong Q2 2023 ay na-deactivate nang mali, at ibinalik namin ang nilalaman na iyon pagkatapos matukoy ang mali. Sa mga Pin na pinaniniwalaan naming na-deactivate nang tama noong Q2, 16 ang nakita ng 100 o mas kaunting user sa reporting period na ito.

Isinama namin ang mga false positive na iyon sa Q1 at Q2 enforcement data, pero hindi namin isinama ang mga ito sa metric ng naaabot para sa patakarang ito bilang pagsusumikap na magbigay ng mas tamang insight sa bilang ng mga user na nakakita ng Pin na talagang lumalabag sa patakarang ito bago na-deactivate ang Pin.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naaabot ng mga Pin na na-deactivate dahil sa maling impormasyon tungkol sa klima

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user <1% 3%
Nakita ng 1-9 na user 15% 13%
Nakita ng 10-100 user 16% 24%
Nakita ng >100 user 68% 61%

Noong Q1 2023, na-deactivate namin ang 126 na natatanging mga larawan, na binubuo ng 136 na Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 32% ang nakita ng 100 o mas kaunting user sa reporting period na ito. Manu-mano kaming nag-deactivate ng 98% at 2% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Ginawan namin ng aksyon ang 19 na user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nag-deactivate rin kami ng 133 board at 1 account dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nakatanggap kami ng 0 apela sa account.

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 37 natatanging mga larawan, na binubuo ng 41 Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 39% ang nakita ng 100 o mas kaunting user sa reporting period na ito. Manu-mano naming na-deactivate ang 100%. Nagawan namin ng aksyon ang 10 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nag-deactivate rin kami ng 10 board at 13 account dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nakatanggap kami ng 3 apela sa account at ibinalik ang 2 account.

Mga conspiracy theory

Ang aming patakaran sa mga conspiracy theory ay isa sa maraming patakaran sa aming mga alituntunin ng Komunidad na nagbabawal ng maling impormasyon at hindi tamang impormasyon sa Pinterest. Kasama sa mga conspiracy theory ang nilalaman na ginagawa o hinihikayat na gawing mga target ng pangha-harass o pisikal na karahasan ang mga indibiduwal, grupo ng mga tao, lugar o organisasyon, tulad ng mga conspiracy theory na batay sa galit at maling impormasyon tungkol sa kalupitan sa maraming tao.

Mga kamakailang trend

Nag-deactivate kami ng mas maraming Pin dahil sa paglabag sa aming patakaran sa mga conspiracy theory noong Q1 2023 kaysa noong Q2 2023. Sa mga Pin na na-deactivate namin noong Q1, 97% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Ang aming pagbabago na gawing mas madali na mag-report ng mga account ay humantong sa nadagdagang dami ng mga na-deactivate na account.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naabot ng mga Pin na na-deactivate dahil sa mga conspiracy theory

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 91% 94%
Nakita ng 1-9 na user 6% 2%
Nakita ng 10-100 user 1% 1%
Nakita ng >100 user 2% 3%

Noong Q1 2023, dineactivate namin ang 641 natatanging mga larawan, na binubuo ng 4,412 Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 91% ang nakita ng 0 user sa reporting period na ito. Mano-manu naming dineactivate ang 69% ng mga Pin at 31% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Ginawan namin ng aksyon ang 64 na user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Na-deactivate rin namin ang 37 board at 3 account. Nakatanggap kami ng 7 apela sa account at ibinalik ang 3 account.

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 510 natatanging mga larawan, na binubuo ng 2,404 na Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 94% ang nakita ng 0 user sa reporting period na ito. Manu-mano kaming nag-deactivate ng 16% at 84% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 53 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Na-deactivate rin namin ang 41 board at 36 na account dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Nakatanggap kami ng 14 na apela sa account at ibinalik ang 6 na account.

Mapanganib na mga produkto at aktibidad

Ang Pinterest ay hindi lugar para sa pagte-trade o pagbebenta ng mga mapanganib na produkto o pagsali sa mga mapanganib na aktibidad. Ang mga mapanganib na produkto ay mga produkto o bagay na posibleng magdulot ng pinsala kapag ginamit, binago o ginawa nang hindi responsable. Ang mga mapanganib na aktibidad—kasama ang pagpapakita o panghihikayat ng mga mapanganib na aktibidad—ay hindi rin tinatanggap sa Pinterest. Dagdag pa rito, kasama sa kategoryang ito ang content na nangangasiwa ng pagbebenta ng mga mabangis na hayop o ng protektado at endangered wildlife at iba pang mga uri ng pananamantala ng hayop. Nakikipagtulungan ang Pinterest sa World Wildlife Fund at sa Coalition to End Wildlife Trafficking Online nito para harapin ang wildlife trafficking at makakuha ng feedback sa mga pamamaraan na magagamit namin para patuloy na labanan ang maling gawain.

Mga kamakailang trend

Nag-deactivate kami ng mas maraming Pin dahil sa paglabag ng aming patakaran sa mapanganib na mga produkto at aktibidad noong Q1 2023 kaysa noong Q2 2023 dahil sa pagtuon bilang bahagi sa maagap na mga pag-alis pati rin ang nadagdagang mga tugma na natukoy at nagawan ng aksyon ng aming mga hybrid tool noong Q1. 

Nalaman namin na anim sa natatanging mga larawan ang na-deactivate noong Q1 2023 at lima sa natatanging mga larawan na na-deactivate noong Q2 2023 ay na-deactivate nang mali, at ibinalik namin ang content na iyon pagkatapos matukoy ang mali. Sa mga Pin na pinaniniwalaan naming na-deactivate nang tama noong Q1, mahigit 99% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito.

Isinama namin ang mga false positive na iyon sa Q1 at Q2 enforcement data, pero hindi namin isinama ang mga ito sa metric ng naaabot para sa patakarang ito bilang pagsusumikap na magbigay ng mas tamang insight sa bilang ng mga user na nakakita ng Pin na talagang lumalabag sa patakarang ito bago na-deactivate ang Pin.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naaabot ng mga Pin na na-deactivate dahil sa mga mapanganib na produkto at aktibidad

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 91% 74%
Nakita ng 1-9 na user 9% 23%
Nakita ng 10-100 user <1% <1%
Nakita ng >100 user <1% 2%

Noong Q1 2023, nag-deactivate kami ng 12,050 natatanging mga larawan, na binubuo ng 1,214,227 Pin, dahil sa pagabag sa patakarang ito. Sa mga Pin na ito, 91% ang hindi kailanman nakita ng mga user sa reporting period na ito. Na-deactivate namin nang manu-mano ang 11%, mas kaunti sa 1% ang na-deactivate nang awtomatiko at 89% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 2,575 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nag-deactivate rin kami ng 445 board at 858 account. Nakatanggap kami ng 34 apela sa account at ibinalik ang 7 account.

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 7,079 natatanging mga larawan, na binubuo ng 71,961 Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Sa mga Pin na ito, 97% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Manu-mano naming na-deactivate ang 6% ng mga Pin, 10% ang na-deactivate nang manu-mano at 84% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 2,049 na user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Na-deactivate rin namin ang 472 board at 667 account dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Nakatanggap kami ng 52 apela sa account at ibinalik ang 28 account.

Nagpapakita ng karahasan at mga pagbabanta

Ipinagbabawal namin ang graphic violence at mga pagbabanta sa Pinterest. Kasama rito ang karamihan ng nilalaman na nagpapakita ng paggamit ng karahasan, pagbabanta at salita para purihin ang karahasan.

Mga kamakailang trend

Nag-deactivate kami ng mas maraming Pin dahil sa paglabag ng aming patakaran sa graphic violence at mga banta noong Q1 2023 kaysa noong Q2 2023. Sa mga Pin na na-deactivate namin noong Q1, 98% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. 

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naaabot ng mga Pin na na-deactivate dahil sa graphic violence at mga pagbabanta

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 66% 77%
Nakita ng 1-9 na user 32% 20%
Nakita ng 10-100 user <1% <1%
Nakita ng >100 user 1% 2%

Noong Q1 2023, na-deactivate namin ang 22,692 natatanging mga larawan, na binubuo ng 824,035 Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 98% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Na-deactivate namin nang manu-mano ang 2% ng mga Pin at 98% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 7,872 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Na-deactivate rin namin ang 1,041 board at 116 na account. Nakatanggap kami ng 47 apela sa account at ibinalik ang 23 account.

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 31,213 natatanging mga larawan, na binubuo ng 262,823 Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 97% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Na-deactivate namin nang manu-mano ang 3% ng mga Pin at 97% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 4,396 na user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Na-deactivate rin namin ang 1,232 board at 265 account dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nakatanggap kami ng 84 na apela sa account at ibinalik ang 51 account.

Pangha-harass at pagpuna

Ang Pinterest ay hindi lugar para sa pangha-harass, at ipinagbabawal namin ang nilalaman na nang-iinsulto, nananakit o sumasalungat sa mga indibiduwal o grupo ng mga tao. Kasama rito ang pagmamanipula ng mga larawang nilalayong manghamak o mamahiya, pamamahiya sa mga tao dahil sa kanilang mga katawan o ipinalagay na seskwal o romantikong kasaysayan, mga sekswal na puna tungkol sa mga katawan ng mga tao, panghihingi o pag-aalok ng mga sekswal na pagkilos at panghahamak sa isang tao dahil sa pagranas ng kalungkutan, pagluluksa, pagkawala ng mahal sa buhay o galit.

Mga kamakailang trend

Nalaman namin na limang natatanging mga larawan ang na-deactivate noong Q1 2023, at ang mahigit 95,000 Pin na na-deactivate bilang mga tugma, ay na-deactivate nang mali, at ibinalik namin ang content na iyon pagkatapos matukoy ang mali. Sa mga Pin na pinaniniwalaan naming na-deactivate nang tama noong Q1, 96% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito.

Isinama namin ang mga false positive na iyon sa Q1 enforcement data, pero hindi namin isinama ang mga ito sa metric ng naaabot para sa patakarang ito bilang pagsusumikap na magbigay ng mas tamang insight sa bilang ng mga user na nakakita ng Pin na talagang lumalabag sa patakarang ito bago na-deactivate ang Pin.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naaabot ng mga Pin na na-deactivate dahil sa pangha-harass at pagpuna

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 77% 65%
Nakita ng 1-9 na user 19% 27%
Nakita ng 10-100 user 1% 5%
Nakita ng >100 user 2% 3%

Noong Q1 2023, na-deactivate namin ang 2,615 natatanging mga larawan, na binubuo ng 482,401 Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 96% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Manu-mano kaming nag-deactivate ng 17% ng mga Pin at 83% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 2,012 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nag-deactivate rin kami ng 368 board at 192 account. Nakatanggap kami ng 61 apela sa account at ibinalik ang 36 na account.

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 2,327 natatanging mga larawan, na binubuo ng 89,215 Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Sa mga Pin na ito, 92% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period. Na-deactivate namin nang manu-mano ang 2% ng mga Pin at 98% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 1,673 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Na-deactivate rin namin ang 331 board at 284 na account dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Nakatanggap kami ng 83 apela sa account at ibinalik ang 62 account.

Mapoot na mga aktibidad

Ipinagbabawal namin ang mapoot na nilalaman at ang mga tao at grupong nagtataguyod ng mga mapoot na aktibidad sa Pinterest. Kasama sa mga mapoot na aktibidad ang mga pamumura at mga hindi magandang stereotype, mga caricature at panlalahat, pati rin ang pagsuporta sa mga hate group at mga taong nagtataguyod ng mga mapoot na aktibidad.

Naniniwala kaming dapat magkaroon ang lahat ng tao ng ligtas na lugar para pagyamanin ang kanilang mga interes at maghanap ng inspirasyon—anuman ang kanilang aktwal o ipinapalagay na lahi, kulay, caste, etnisidad, katayuan sa imigrasyon, bansang pinagmulan, relihiyon o paniniwala, kasarian o kinikilalang kasarian, sekswal na oryentasyon, kapansanan o medikal na kondisyon.

Mga kamakailang trend

Nag-deactivate kami ng mas kaunting mga natatanging larawan - pero mas maraming Pin - noong Q1 2023 kaysa noong Q2 2023 dahil sa paglabag sa aming patakaran sa may galit na mga aktibidad dahil sa nadagdagang bilang ng mga tugma na natukoy at nagawan ng aksyon sa pamamagitan ng aming mga hybrid tool sa Q1. Ang aming na-update na reporting form, na ginawang mas madali sa mga user na mag-report ng nilalaman sa board at account level, ay humantong sa nadagdagang mga account at board na na-deactivate. Sa mga Pin na na-deactivate namin noong Q1, 90% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naaabot ng mga Pin na na-deactivate dahil sa mga mapoot na aktibidad

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 53% 74%
Nakita ng 1-9 na user 37% 17%
Nakita ng 10-100 user 5% 3%
Nakita ng >100 user 5% 6%

Noong Q1 2023, na-deactivate namin ang 12,927 natatanging mga larawan, na binubuo ng 172,732 Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 90% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Na-deactivate namin nang manu-mano ang 21% ng mga Pin at 79% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 3,608 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Na-deactivate rin namin ang 1,244 na board at 228 account. Nakatanggap kami ng 84 na apela sa account at ibinalik ang 27 account.

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 19,492 natatanging mga larawan, na binubuo ng 109,206 na Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Sa mga Pin na ito, 91% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Manu-mano naming na-deactivate ang 6% ng mga Pin at 94% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 2,274 na user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Na-deactivate rin namin ang 1,761 board at 1,087 account dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nakatanggap kami ng 274 na apela sa account at ibinalik ang 176 na account.

Pangmedikal na maling impormasyon

Ang aming patakaran sa maling medikal na impormasyon ay isa sa maraming patakaran sa aming mga alituntunin ng Komunidad na nagbabawal sa maling impormasyon sa Pinterest. Ipinagbabawal ng patakaran na ito ang mga pahayag sa kalusugan na hindi sinunsuportahan ng mga doktor na naglalagay sa panganib sa kalusugan ng user o sa kalusugan at kaligtasan ng mas maraming publiko, kabilang ang pagpo-promote ng mga maling lunas, payo laban sa pagbabakuna, o maling impormasyon tungkol sa mga emergency sa kalusugan o kaligtasan ng publiko. Umaasa kami sa impormasyon mula sa mga kinikilalang institusyon sa bansa at sa ibang bansa, kasama ang Centers for Disease Control and World Health Organization, para tulungan kaming malaman kung nilalabag ng content ang mga Alituntuning ito. 

Mga kamakailang trend

Nag-deactivate kami ng mas maraming Pin dahil sa paglabag ng patakarang ito noong Q2 2023 kaysa noong Q1 2023. Sa mga Pin na na-deactivate namin noong Q2, 99% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naabot ng mga Pin na na-deactivate dahil sa maling medikal na impormasyon

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 74% 93%
Nakita ng 1-9 na user 23% 6%
Nakita ng 10-100 user 1% <1%
Nakita ng >100 user 2% 1%

Noong Q1 2023, na-deactivate namin ang 2,444 na natatanging mga larawan, na binubuo ng 10,602 Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 97% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Awtomatiko kaming nag-deactivate ng 8% ng mga Pin, 9% ang na-deactivate nang manu-mano at 82% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 196 na user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Na-deactivate rin namin ang 89 na board at 8 account. Nakatanggap kami ng 3 apela sa account at ibinalik ang 2 account.

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 3,336 na natatanging mga larawan, na binubuo ng 43,319 na Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Sa mga Pin na ito, 93% ang nakita ng 0 user sa reporting period na ito. Awtomatiko naming na-deactivate ang 2% ng mga Pin, <1% ang manu-mano at 98% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 110 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Na-deactivate rin namin ang 85 board at 17 account dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nakatanggap kami ng 7 apela sa account at ibinalik ang 6 na account.

Pananakit sa sarili at masamang gawi

Prayoridad namin ang paglaban sa pananakit sa sarili habang sinisikap naming siguraduhin na may magandang tungkulin ang Pinterest sa buhay ng mga tao. Hindi tinatanggap sa platform namin ang nilalaman na nagpapakita, nagra-rationalize, o nanghihikayat ng pagpapakamatay, self-injury, eating disorder o pang-aabuso sa paggamit ng droga o pag-inom ng alak. Kasama rito ang mga instruksyon para sa pananakit sa sarili, mga sensitibong image at pag-iisip at mga quote tungkol sa pagpapakamatay. Bina-block din namin ang mga salitang may kinalaman sa pananakit sa sarili.

Ang aming patuloy na pakikipagtulungan sa Samaritans, isang organisasyon na nakatuon sa pagbawas ng pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pakikinig at suporta sa mga tao at komunidad sa oras ng pangangailangan, ay patuloy na tumutulong sa aming maharap ang nilalaman tungkol sa pananakit sa sarili at gawing mas ligtas na lugar para sa lahat ang Pinterest. Ang mga pakikipagtulungan na tulad nito ay tinutulungan kaming dagdagan ang research ng eksperto at pag-unlad sa larangan ng kalusugan ng isip para mas maraming taong nangangailangan ang makakahanap ng suporta, anumang app o website ang ginagamit nila. Pinili rin naming makipagtulungan sa mga serbisyo ng third-party tungkol sa kaligtasan ng nilalaman para hiwalay na subukan ang aming mga pagsusumikap sa pag-moderate sa larangang ito at sa iba pang mga mahalagang larangan.

Mga kamakailang trend

Ipinagpapatuloy namin ang aming mga pamumuhunan para mapahusay ang pag-moderate ng content para sa content tungkol sa pananakit sa sarili. Nakakita kami ng mas kaunting kabuuang Pin na na-deactive noong H1 2023 kaysa noong H2 2022, at sa mga Pin na na-deactivate namin sa kalahating ito, 95% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naaabot ng mga Pin na na-deactivate dahil sa pananakit sa sarili at mapaminsalang pag-uugali

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 70% 71%
Nakita ng 1-9 na user 25% 24%
Nakita ng 10-100 user 4% 4%
Nakita ng >100 user 1% 1%

Noong Q1 2023, nag-deactivate kami ng 72,015 natatanging mga larawan, na binubuo ng 10,997,375 Pin, dahil sa pagabag sa patakarang ito. Sa mga Pin na ito, 95% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Nag-deactivate kami ng mas kaunti sa 1% ng mga Pin nang awtomatiko, mas kaunti sa 1% ang manu-mano at 98% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 1,814 na user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nag-deactivate rin kami ng 1,977 board at 177 account. Nakatanggap kami ng 70 apela sa account at ibinalik ang 23 account.

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 61,014 natatanging mga larawan, na binubuo ng 11,556,880 Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 95% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Manu-mano kaming nag-deactivate ng mas kaunti sa 1% ng mga Pin na ito at mahigit sa 99% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin ng aksyon ang 1,716 na user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nag-deactivate rin kami ng 1,439 na board at 251 account dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nakatanggap kami ng 79 na apela sa account at ibinalik ang 45 account.

Spam

Gusto naming maging mataas ang kalidad at kapaki-pakinabang ang inspirasyon at mga ideya sa Pinterest, kaya dine-deactivate namin ang spam kapag nakita namin ang mga ito. Ang layunin ng mga spammer ay kumita ng pera, at ang pinakamagandang paraan na dapat gawin dito ay mag-spam nang malawakan. Laro ito ng bilang: ang isang milyong spam na email ay mas mabisa kaysa sa isang spam na email. Puwedeng mangyari ang mga parehong uri ng pag-spam sa anumang platform na namamahagi ng nilalaman, kabilang ang Pinterest. Ang mga pakikipag-ugnayan ng mga platform sa mga spammer ay karaniwang parehong salungat at paulit-ulit sa mga user na sinasadyang iwasan ang system at patuloy na ina-update ang kanilang mga pamamaraan. 

Mga kamakailang trend

Sa Pinterest, gumagamit kami ng pinakabagong machine learning technology para bumuo ng mga automated model na mabilis na makikita at makakagawa ng aksyon sa lahat ng uri ng spam. Binabalikan namin ang mga model na ito sa regular na interval sa pamamagitan ng paglalagay ng bagong data at pag-explore ng mga bagong teknikal na breakthrough para mapanatili o mapaganda ang performance ng mga ito sa katagalan para mahusay na matugunan ang spam. Dahil sa iba-iba at paulit-ulit na katangian ng paglaban sa spam, maaaring magkaroon ng malaking pagkakaiba ang mga bilang ng pag-enforce sa content kada quarter.

Nag-deactivate kami ng mas maraming account noong Q1 2023 kaysa noong Q4 2022; karaniwan sa spam ang pagtaas at pagbaba ng dami na ito, na paglabag sa patakaran kung saan ang malaking bilang ay bahagi ng katangian ng paglabag. Sa mga Pin na na-deactivate namin noong Q1, 97% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Na-deactivate na naabot na mga Pin dahil sa spam

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 76% 76%
Nakita ng 1-9 na user 21% 20%
Nakita ng 10-100 user 3% 2%
Nakita ng >100 user <1% 1%

Noong Q1 2023, na-deactivate namin ang 45,333 natatanging mga larawan, na binubuo ng 94,327 Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 97% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Awtomatiko kaming nag-deactivate ng 100% ng mga Pin. Nag-deactivate rin kami ng 7,500,856 na account dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Nakatanggap kami ng 128,725 apela sa account at ibinalik ang 100,594 na account.

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 39,490 natatanging mga larawan, na binubuo ng 88,638 Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Sa mga Pin na ito, 96% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Awtomatiko kaming nag-deactivate ng 100% ng mga Pin. Nag-deactivate rin kami ng 3,463,510 account dahil sa paglabag sa patakarang ito. Nakatanggap kami ng 78,331 apela sa account at ibinalik ang 56,352 account.

Mga marahas na tao

Ang Pinterest ay hindi isang lugar para sa marahas na nilalaman, mga grupo o indibiduwal. Nililimitahan namin ang pamamahagi ng o inaalis ang nilalaman at mga account na nanghihikayat, nagpupuri, nagpo-promote, o nagbibigay ng tulong sa mga mapanganib na tao o grupo at kanilang mga aktibidad. Kasama rito ang mga extremist, organsiasyon ng terorista, at mga gang at iba pang mga organisasyon ng kriminal. Nakikipagtulungan kami sa industriya, mga eksperto sa pamahalaan at seguridad para tulungan kaming matukoy ang mga grupong ito. Halimbawa, simula 2019, miyembro na ang Pinterest ng Global Internet Forum to Counter Terrorism (GIFCT), isang organisasyon na hindi sa gobyerno na dinisenyo para pigilan ang mga terorista at mga marahas na extremist mula sa pananamantala ng mga digital platform. 

Mga kamakailang trend

Nag-deactivate kami ng mas maraming Pin dahil sa paglabag ng patakarang ito noong Q1 2023 kaysa noong Q2 2023. Sa mga Pin na na-deactivate namin noong Q1, 95% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. 

Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

Naaabot ng mga Pin na na-deactivate dahil sa mararahas na tao

  Q1 2023 Q2 2023
Nakita ng 0 user 75% 67%
Nakita ng 1-9 na user 20% 27%
Nakita ng 10-100 user 3% 4%
Nakita ng >100 user 2% 2%

Noong Q1 2023, na-deactivate namin ang 2,506 na natatanging mga larawan, na binubuo ng 178,484 na Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 95% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Manu-mano kaming nag-deactivate ng mas kaunti sa 1% ng mga Pin na ito at mahigit sa 99% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nagawan namin aksyon ang 1,300 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakarang ito. Na-deactivate din namin ang 465 board at 109 na account. Nakatanggap kami ng 12 apela sa ccount at ibinalik ang 2 account.

Noong Q2 2023, na-deactivate namin ang 684 na natatanging mga larawan, na binubuo ng 95,604 na Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Sa mga Pin na ito, 94% ang nakita ng mas kaunti sa 10 user sa reporting period na ito. Manu-mano kaming nag-deactivate ng mas kaunti sa 1% ng mga Pin na ito at mahigit sa 99% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Inaksyunan namin ang 270 user report na nagresulta sa pag-deactivate ng Pin dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Na-deactivate din namin ang 295 board at 51 account dahil sa paglabag sa patakaran na ito. Nakatanggap kami ng 3 apela sa account at ibinalik ang 1 account.

Pagpapatupad ng mga patakaran sa intellectual property

Iginagalang ng Pinterest ang intellectual property rights ng iba at inaasahan namin ang mga tao na nasa Pinterest na gawin din ito. Patakaran naming i-disable ang content bilang pagtugon sa kumpleto at valid na mga pahayag ng paglabag at, sa mga naaangkop na sitwasyon, para i-deactivate ang mga account ng mga tao na paulit-ulit na lalabag o paulit-ulit na pararatangan na lumalabag sa mga copyright o iba pang intellectual property rights. Ang aming mga patakaran kaugnay sa mga isyu sa copyright at trademark ay nakasaad sa aming Patakaran sa copyright at Patakaran sa trademark, nang magkahiwalay.

Mga abiso tungkol sa intellectual property

Nagbibigay ang Pinterest ng maraming mekanismo para sa mga IP rights holder para mag-submit ng mga abiso na nagsasabi ng paglabag sa intellectual property. Ang una ay makikita sa produkto sa tabi ng nilalaman na may isyu. Ang mga right holder o ang kanilang mga awtorisadong kinatawan ay puwedeng mag-report ng mga Pin na sa tingin nila ay lumalabag sa kanilang intellectual property rights sa pamamagitan ng pag-click sa tatlong maliit na tuldok sa anumang Pin at pagpili sa “I-report ang Pin,” kung saan makakahanap sila ng link para i-report ang paglabag sa IP. Nagbibigay din kami ng hiwalay at available sa publiko na mga reporting form at nakalaang mga email address, pati rin ang aming aktwal na address para sa pag-submit ng mga abiso tungkol sa intellectual property, makikita ang lahat ng ito sa site ng aming Patakaran. 

Ang mga rights holder ay may opsyon na tukuyin ang isang piraso ng nilalaman sa bawat report, o kahit marami. Ina-assess namin ang bawat piraso ng content na tinukoy sa isang submission at kapag natukoy naming kumpleto at valid ang isang report, mabilis naming ipoproseso ang report at aaksyunan ang nilalaman gaya ng naaangkop. Kung kailangan pa namin ng impormasyon tungkol sa nagre-report na partido o tungkol sa anumang natukoy na nilalaman, nakikipag-ugnayan kami sa tao o entity na nag-submit ng abiso para bigyan siya ng pagkakataong ibigay ang impormasyon na iyon. Kung sa anumang bahagi ay makakapag-submit siya ng kumpleto at valid na abiso na nagpaparatang ng paglabag sa intellectual property, ipoproseso ng Pinterest ang abiso at ide-deactivate ang natukoy na nilalaman.

Maaari naming ituring na invalid ang isang abiso at tumangging i-deactivate ang natukoy na nilalaman kapag naaangkop, tulad ng kapag ang abiso ay:

  • Wala ang lahat ng hinihiling na impormasyon
  • Hindi ginagawang makatwiran ang intellectual property claim, gaya ng kapag ang paggamit ay hindi lumalabag
  • Hindi maaaring aksyunan, kasama ang kapag na-deactivate na ang nilalaman
  • Spam
  •  

    Dahil sa masalimuot na katangian ng mga kaso tungkol sa intellectual property, nagsama kami ng maraming metrics para magbigay ng mas maraming insight sa mga hakbang na ginagawa namin para ma-assess ang mga intellectual property submission at makipag-ugnayan sa mga tao o entity na magsa-submit ng mga ito.

    Mga Apela

    Kapag na-deactivate ang nilalaman ng user bilang resulta ng abiso tungkol sa intellectual property, pinapadalhan namin sila ng email notification na may kasamang impormasyon sa kung paano iaapela ang aming mga aksyon kung gusto nilang gawin ito. Sinusuri namin ang mga apela, na maaaring nasa anyo ng counter-notice ayon sa Digital Millennium Copyright Act (DMCA), at reremedyuhan ang sitwasyon kung malalaman namin na mayroong apela na maaaring aksyunan. Gaya ng ginagawa namin sa mga abiso tungkol sa intellectual property, nakikipag-ugnayan kami sa tao o entity na nag-submit ng apela para makakuha ng mas maraming impormasyon kung kinakailangan. Kung sa anumang bahagi ay makakapag-submit sila ng kumpleto at valid na apela, gagawa ang Pinterest ng naaangkop na aksyon para remedyuhan ang sitwasyon.

    Copyright

    Ang Pinterest ay palaging lugar para sa mga content creator, mga brand at mga publisher sa buong mundo para i-feature ang kanilang nilalaman at bumuo ng value. Karamihan sa mga creator ay ina-upload ang sarili nilang nilalaman o hinihikayat ang mga user na gawin ito sa gamit ang mga button sa kanilang mga website na itinalaga para pamahalaan ang pag-save sa Pinterest, at tanggapin ang exposure at user traffic na nagagawa kapag nagse-save ang mga user ng mga larawan. Nagsusumikap kaming bigyan ng kontrol ang mga creator sa kanilang nilalaman, kasama ang pagtatalaga kung aling mga website ang dapat i-link sa at makatanggap ng traffic mula sa mga na-save na larawan, gamit ang mga feature na tulad ng aming “No Pin” na code kung gusto nilang limitahan ang pag-save mula sa kanilang mga website, o pag-claim ng nilalaman sa Pinterest sa pamamagitan ng aming Content Claiming Portal

    Sa mga sitwasyon kung saan ayaw ng mga rights holder na lumabas ang kanilang nilalaman sa Pinterest, nagbibigay kami ng maraming mekanismo para alisin ang content. Ang mga may-ari ng copyright at ang mga awtorisadong kumilos sa kanilang ngalan ay puwedeng mag-report ng sinasabing mga paglabag sa copyright sa pamamagitan ng aming mga copyright reporting mechanism kasama ang aming opsyon ng pagre-report sa produkto, aming reporting form sa email sa copyright [at] pinterest.com (copyright[at]pinterest[dot]com). Kapag nasuri na namin ang abiso tungkol sa copyright, gumagawa kami ng naaangkop na aksyon, na maaaring kabilangan ng pag-alis sa Pinterest ng ni-report na nilalaman. Nagbibigay din kami ng Content Claiming Portal, isang tool na ni-launch noong 2021 na nagpapahintulot sa mga rights holder na ma-claim ang kanilang nilalaman at magpasya kung at paano ito lalabas sa Pinterest. Kapag gumawa kami ng aksyon batay sa abiso sa copyright o impormasyong nakuha sa Content Claiming Portal, inaabisuhan namin ang mga apektadong user at nagbibigay ng impormasyon sa kung paano iaapela ang aming mga aksyon kung gusto nila itong gawin.

    Nagdudulot ang copyright at iba pang uri ng intellectual property ng natatanging mga hamon sa pag-moderate ng nilalaman. Bagaman madalas ay maaaring matukoy ng mga moderator na lumalabag ang nilalaman sa aming iba pang patakaran tulad ng mga nagbabawal sa nilalaman na para sa nasa hustong gulang o mga banta, base lang sa pagtingin sa nilalaman, hindi ganito sa copyright. Kinakailangan sa pagtukoy ng copyright infringement ang karagdagang kaalaman tungkol sa pinagmulan, legal status, pagmamay-ari, licensing, o iba pang impormasyon ng content na hindi agad makikita—tulad ng kung pinahintulutan ng may-ari ang paggamit dito ng ibang partido sa pamamagitan ng mga kasunduan na hindi alam ng Pinterest. Dahil dito, ang mga rights holder lang ang nasa posisyon para malaman kung pinahintulutan o hindi ang partikular na paggamit. Ang proseso ng pagbibigay ng notification ay paraan para maibigay ng mga rights holder ang kinakailangang impormasyon sa Pinterest. Natatangi rin ang copyright dahil ang tamang tugon sa infringement ay hindi palaging pag-deactivate sa nilalaman. Ang ilang rights holder ay maaaring piliing i-deactivate ang nilalaman, habang may iba na gustong panatilihin ang kanilang nilalaman sa Pinterest pero itatama ang attribution nito o maglalagay ng link sa kanilang website. 

    Para sa mga dahilan na ito, ang aming proseso sa pag-moderate at ang data na ni-report dito ay hindi palaging direktang maikukumpara sa aming iba pang mga seksyon sa pagpapatupad ng mga alituntunin ng Komunidad. Kaya naman, halimbawa, nagdagdag kami ng metrics tulad ng bilang ng mga abiso na naproseso namin base sa inisyal na submission at dami ng beses na naghanap pa kami ng impormasyon, at inalis ang metric namin na nagpapakita ng naabot ng mga na-deactivate na Pin. Nangangako kaming magbigay ng mas maraming transparency sa kung paano kami nagpapatupad ng mga proteksyon sa intellectual property sa Pinterest, at ipagpapatuloy naming ulitin ito sa report na ito gaya ng naaangkop magmula ngayon.

    Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

    Noong Q1 2023, nakatanggap kami ng 18,660 submission sa pamamagitan ng aming mga copyright reporting mechanism. Sa mga submission na ito, 1,113 ang natukoy na spam at inalis ang mga ito. Nalaman namin na may isa pang 248 request ang walang kaugnayan sa intellectual property at ipinasa ang mga ito sa naaangkop na team sa Pinterest. Nalaman namin na 12,307 ang kumpleto noong na-submit, at naproseso namin ang lahat ng nilalaman na natukoy sa bawat abiso. Humingi kami ng impormasyon para sa karagdagang 4,447 submission na nalaman naming hindi kumpleto at sa huli naproseso ang 627 sa mga submission na iyon. Sa kabuuan, naproseso namin an 12,934 abiso at na-deactivate ang 49,249 na natatanging mga larawan, na binubuo ng 16,652,995 Pin, sa ilalim ng aming mga patakaran sa copyright. Na-deactivate namin nang manu-mano ang mas kaunti sa 1% ng mga Pin at mahigit sa 99% ang na-deactivate sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nag-deactivate kami ng 828 account dahil sa paglabag sa aming patakaran laban sa mga umuulit na lumalabag. Nakatanggap kami ng 892 apela, nakita ang 352 na kumpleto at valid at gumawa ng naaangkop na aksyon.

    Nakatanggap din kami ng 2,029 request sa pamamagitan ng Content Claiming Portal sa Q1 2023. Nagproseso kami ng 1,755 request, na may kasamang 8,088 natatanging mga larawan, na binubuo ng 159,582 Pin. Nakatanggap kami ng 16 na apela para sa nilalaman na na-deactivate sa paraang ito, nakita ang 10 na kumpleto at valid, at gumawa ng naaangkop na aksyon.

    Noong Q2 2023, nakatanggap kami ng 16,795 submission sa pamamagitan ng aming mga copyright reporting mechanism. Sa mga submissions na ito, 1,153 ang natukoy na spam at inalis ang mga ito. Nalaman namin na may isa pang 518 request ang walang kaugnayan sa intellectual property at ipinasa ang mga ito sa naaangkop na team sa Pinterest. Nakita namin ang 10,002 na kumpleto noong na-submit, at naproseso namin ang lahat ng content na natukoy sa bawat abiso. Humingi kami ng impormasyon para sa karagdagang 4,432 submission na nalaman naming hindi kumpleto at sa huli naproseso ang 536 sa mga submission na iyon. Sa kabuuan, naproseso namin ang 10,538 abiso at na-deactivate ang 38,103 magkakaibang image, na binubuo ng 9,900,675 Pin, sa ilalim ng aming mga patakaran sa copyright. Na-deactivate namin ang mas kaunti sa 1% ng mga Pin nang manu-mano at 99% sa pamamagitan ng mga hybrid tool. Nag-deactivate kami ng 874 na account dahil sa paglabag sa aming patakaran laban sa mga umuulit na lumalabag. Nakatanggap kami ng 1,017 apela, nakitang 427 ang kumpleto at valid, at gumawa ng naaangkop na aksyon. 

    Nakatanggap din kami ng 2,790 request sa pamamagitan ng Content Claiming Portal sa Q2 2023. Naproseso namin ang 2,364 na request, na may kasamang pag-deactivate sa 6,675 natatanging mga larawan, na binubuo ng 133,981 Pin. Nakatanggap kami ng 6 na apela para sa nilalaman na na-deactivate sa paraang ito, nakita ang 3 na kumpleto at valid, at gumawa ng naaangkop na aksyon.

    trademark

    Iginagalang ng Pinterest ang mga karapatan sa trademark ng iba. Puwede kaming kontakin ng mga may-ari ng trademark sa mga trademark reporting mechanism, tulad ng aming opsyon para mag-report sa produkto, ang trademark complaint form o sa pag-email sa amin sa trademark [at] pinterest.com (trademark[at]pinterest[dot]com), kung mayroong silang mga alalahanin na lumalabag sa mga karapatan sa trademark nila ang nilalaman sa Pinterest. Sinusuri namin ang mga submission na natatanggap namin at ginagawa ang naaangkop na aksyon, pati ang pagtanggal sa Pinterest ng nilalaman na may isyu.

    Sa copyright, ang pareho naming proseso sa pag-moderate at ang data na nire-report dito ay hindi palaging direktang maikukumpara sa aming iba pang pagpapatupad ng mga Alituntunin ng Komunidad. Kaya naman, halimbawa, nagdagdag kami ng metrics tulad ng bilang ng mga abiso na naproseso namin base sa inisyal na submission at dami ng beses na naghanap pa kami ng impormasyon, at inalis ang metric namin na nagpapakita ng naabot ng mga na-deactivate na Pin.

    Pinalawak namin ang pagtutuunan ng pansin namin sa mga pag-deactivate ng account-level para sa pagbebenta ng mga huwad na paninda sa reporting period, na humantong sa nadagadgang mga account na na-deactivate.

    Pagpapatupad ng mga patakaran sa nilalaman

    Noong Q1 2023, nakatanggap kami ng 4,723 submission sa pamamagitan ng aming mga trademark reporting mechanism. Sa mga submissions na ito, 813 ang natukoy na spam at inalis ang mga ito. Nalaman namin na may isa pang 8 request ang walang kaugnayan sa intellectual property at ipinasa ang mga ito sa naaangkop na team sa Pinterest. Nalaman namin na 1,477 ang kumpleto noong na-submit, at naproseso namin ang lahat ng content na natukoy sa bawat abiso. Humingi kami ng impormasyon para sa karagdagang 1,934 submission na nalaman naming hindi kumpleto at sa huli ay naproseso ang 135 sa mga submission na iyon. Sa kabuuan, naproseso namin ang 1,612 abiso at na-deactivate ang 31,179 magkakaibang image, na binubuo ng 39,732 Pin, sa ilalim ng aming mga patakaran sa trademark. Na-deactivate namin nang manu-mano ang 100% ng mga Pin. Nag-deactivate kami ng 135 na board at 466 na account sa ilalim ng aming mga patakaran sa trademark at may kaugnayang patakaran. Nakatanggap kami ng 5 apela, nakita ang 1 na kumpleto at valid, at gumawa ng naaangkop na aksyon.

    Noong Q2 2023, nakatanggap kami ng 3,854 na submission gamit ang aming mga trademark reporting mechanism. Sa mga submission na ito, 370 ang natukoy na spam at inalis ang mga ito. Nalaman naming may isa pang 29 request ang walang kaugnayan sa intellectual property at ipinasa ito sa naaangkop na team sa Pinterest. Nalaman namin na 1,427 ang kumpleto noong na-submit, at naproseso namin ang lahat ng content na natukoy sa bawat abiso. Humingi kami ng impormasyon para sa karagdagang 1,651 submission na nalaman naming hindi kumpleto at sa huli ay naproseso ang 132 sa mga submission na iyon. Sa kabuuan, naproseso namin ang 1,559 abiso at na-deactivate ang 25,270 na natatanging mga larawan, na binubuo ng 29,321 Pin, sa ilalim ng aming mga patakaran sa trademark at mga may kaugnayang patakaran. Na-deactivate namin nang manu-mano ang 100% ng mga Pin. Nag-deactivate kami ng 43 board at 582 account sa ilalim ng aming mga patakaran sa trademark at mga kaugnay na patakaran. Nakatanggap kami ng 4 na apela, pero nalaman na 0 ang kumpleto at talagang valid.

    Mga request ng nagpapatupad ng batas at gobyerno

    Ang seksyong ito ay nagbibigay ng insight sa dami ng impormasyon at mga request ng pag-deactivate na natanggap mula sa nagpapatupad ng batas at mga entity ng gobyerno sa unang kalahati ng 2022, mula Enero hanggang Hunyo 2022. Para sa higit pang impormasyon sa kung paano kami tumutugon sa mga request para sa impormasyon ng account, tingnan ang aming Mga alituntunin ng nagpapatupad ng batas.

    Mga Pag-request ng Impormasyon ng Pamahalaan

    Nakakatanggap ang Pinterest ng mga legal request mula sa nagpapatupad ng batas at mga entity ng gobyerno para sa impormasyon ng Pinterest account. Masigasig naming sinusuri ang bawat request, at gumagawa lang ng data para sa mga nakakatugon sa requirements ng batas at ng aming mga patakaran. Ang patakaran namin ay abisuhan ang mga user tungkol sa mga request ng gobyerno para sa kanilang impormasyon bago sabihin ang anumang impormasyon ng account, maliban sa mga partikular na sitwasyon, tulad ng kung saan pinagbabawalan kami ng batas o sa mga emergency na sitwasyon.

    United States 

    Mga Uri Mga Request Ilang impormasyong nagawa Mga natukoy na account Inabisuhan ang mga Account**
    Subpena 77 48 50 3
    Utos ng Korte 7 5 12 0
    Warrant 49 40 46 3
    Iba Pa* 6 1 1 0
    Kabuuan 139 94 109 6

    * Mga request ng nagpapatupad ng batas tulad ng mga wiretap order, pen register, trap and trace, mga pang-emergency na disclosure request.

    ** Inabisuhan ang may-ari ng account bago ang production. Hindi kasama rito ang mga sitwasyon kung saan inabisuhan ang mga may-ari ng account sa mas huling petsa kasunod ng disclosure ng impormasyon ng kanilang account kapag nag-lapse na ang legal prohibition period. 


     

    Internasyonal

    Bansa Mga Uri Mga Request Ilang impormasyong nagawa Mga natukoy na account Inabisuhan ang mga Account**
    Austria Iba Pa* 1 0 0 0
    Brazil Iba Pa* 5 0 0 0
    Canada Iba Pa* 1 0 0 0
    France Iba Pa* 2 0 0 0
    Germany Iba Pa* 7 0 0 0
    India Iba Pa* 7 1 1 0
    Italy Iba Pa* 3 0 0 0
    Norway Iba Pa* 1 0 0 0
    Spain Iba Pa* 2 0 0 0
    United Kingdom Iba Pa* 7 0 0 0
    Kabuuan   36 1 1 0

    * Mga request ng nagpapatupad ng batas gaya ng mga pang-emergency na disclosure request at mga request alinsunod sa lokal na batas .

    ** Inabisuhan ang may-ari ng account bago ang production. Hindi kasama rito ang mga sitwasyon kung saan inabisuhan ang mga may-ari ng account sa mas huling petsa kasunod ng disclosure ng impormasyon ng kanilang account kapag nag-lapse na ang legal prohibition period.


     

    Mga request para sa seguridad ng bansa*

    Saklaw na panahon Bilang ng mga request
    Enero hanggang Hunyo 2023 0-249

    * Anumang sulat at kautusang inilabas ng US Foreign Intelligence Surveillance Act tungkol sa seguridad ng bansa para sa impormasyon ng user.

    Mga request mula sa gobyerno para sa pag-deactivate ng nilalaman

    Nakakatanggap kami ng mga request mula sa mga entity ng gobyerno para i-deactivate ang content sa Pinterest na maaaring labag sa batas sa kanilang bansa at/o lumalabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Sinunsuri namin ang mga request para malaman kung nilalabag ng natukoy na nilalaman ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad o lokal na batas. Gumagawa ang aming mga team ng aksyon sa mga paglabag, mula sa pag-deactivate ng nilalaman sa buong mundo hanggang sa paghihigpit sa access sa nilalaman sa kaugnay na bansa kung nilalabag nito ang lokal na batas pero hindi ito lumalabag sa aming mga patakaran. 

    Nakatanggap ang Pinterest ng kabuuang 13,785 request ng pag-alis ng nilalaman mula sa mga entity ng gobyerno mula Enero hanggang Hunyo 2023, ang lahat ng ito ay mula sa labas ng U.S. Na-deactivate namin ang nilalaman sa 11,544 sa mga request na iyon dahil sa paglabag sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad at pinaghigpitang nilalaman sa karagdagang 1,534 request. Hindi active ang nilalaman para sa 633 request noong sinuri ito bilang pagtugon sa removal request ng gobyerno. Puwede itong mangyari, halimbawa, kapag na-deactivate ang nilalaman bilang pagtugon sa report ng user bago matanggap ng Pinterest ang removal request ng gobyerno.

    Bansa Mga Request Mga pag-deactivate sa Mga Alituntunin ng Komunidad* Pag-deactivate dahil sa lokal na batas** Hindi aktibo***
    Australia 3 3 0 0
    Brazil 4 1 3 0
    Denmark 233 149 26 48
    Indonesia 9 6 3 0
    South Korea 12,187 10,931 1,205 51
    Russia 1,343 450 286 533
    Turkey 15 3 11 1
    United Arab Emirates 1 1 0 0
    Kabuuan 13,785 11,544 1,534 633

    * Nilabag ng nilalaman ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad at inalis ito sa platform.

    ** Ni-report ng entity ng gobyerno ang nilalaman pero hindi ito lumabag sa aming mga alituntunin ng Komunidad at ni-restrict lang ito para sa hindi lumabas sa bansa kung saan nanggaling ang request, batay sa lokal na batas.

    *** Wala na sa platform ang nilalaman sa oras na sinuri ito bilang pagtugon sa request ng removal request ng gobyerno.

    Pagbuo para sa mas ligtas na internet

    Ang paggawa ng pinakamagandang space online ay hindi nangyayari nang hindi sinasadya: Nangyayari ito sa pamamagitan ng maagap na patakaran at mga desisyon sa produkto. Mayroon kaming mga nangunguna sa industriyang posisyon tungkol sa kaligtasan ng content na ginagabayan ng mga input at payo mula sa mga eksperto sa labas, civil society at gobyerno. Nag-iinvest din kaming mabuti sa mga pamamaraan na tulad ng machine learning technology para magpanatili ng ligtas at positibong space para sa mga tao sa internet. Ipinagmamalaki namin ang ginagawa namin para mapanatiling ligtas ang Pinterest at isulong ang mas malawak na industriya. 

    Sama-sama, gumawa tayo ng mas ligtas at mas nagbibigay na inspirasyon na internet.