Mga Residente ng California: Pakitingnan dito ang aming Pahayag sa Privacy ng California at Abiso sa Pagkolekta
Nagsusumikap kaming mabuti para gawing malinaw ang aming paggamit ng personal na datos at gawing madaling maunawaan ang iyong mga karapatan at mga pagpipilian. Patuloy na nagbabago ang mga batas sa privacy at gumawa kami ng mga pagbabago sa patakarang ito batay sa mga bagong batas sa privacy sa ilang estado sa U.S. Nagdagdag din kami ng bagong impormasyon para sa aming mga residente sa EEA at UK tungkol sa data controller ng kanilang personal na datos.
Ang aming misyon ay bigyan ng inspirasyon ang lahat para bumuo ng buhay na gusto nila. Para magawa iyon, nagpapakita kami sa iyo ng naka-personalize na content at mga ad na sa tingin namin ay magiging interesado ka batay sa impormasyong kinokolekta namin mula sa iyo at iba pang partido.
Isinulat namin ang patakarang ito para tulungan kang intindihin kung anong impormasyon ang aming kinokolekta, paano namin ito ginagamit at anong mga pagpipilian ang mayroon ka tungkol dito. May ilang konsepto sa ibaba na medyo teknikal, ngunit sinubukan namin ang aming makakaya para ipaliwanag ang mga ito sa simple at malinaw na paraan.
Ito ang pandaigdigang Patakaran sa Privacy ng Pinterest. Binigyang-diin namin sa ibaba ang ilang partikular na seksyon batay sa kung saan ka nakatira.
Alinsunod sa mga layunin ng General Data Protection Regulation (“GDPR”), kung residente ka sa EEA, Switzerland, at UK, ang Pinterest Europe Ltd. at Pinterest, Inc. ang joint data controller ng iyong personal na datos. Ang Pinterest Europe Ltd. ay isang kumpanya sa Ireland na may nakarehistrong opisina nito sa Palmerston House, 2nd Floor, Fenian Street, Dublin 2, Ireland. Ang Pinterest, Inc. ay kumpanya sa US na may nakarehistrong opisina sa 651 Brannan St., San Francisco, CA 94107, USA. Ang Pinterest Europe Ltd ay ang responsableng controller para gampanan ang mga pangunahing obligasyon sa ilalim ng GDPR. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa pagpoproseso ng datos, mangyaring kontakin ang aming
Kapag ginagamit mo ang mga website, app, serbisyo, teknolohiya, API, widget, o anumang iba pang
Sa tuwing gumagamit ka ng anumang website, mobile application o iba pang serbisyo sa internet, may ilang partikular na impormasyong nagagawa at nala-log nang awtomatiko. Ganito rin ang nangyayari kapag gumamit ka ng Pinterest. Narito ang ilang uri ng impormasyong kinokolekta namin:
Tumatanggap din kami ng impormasyon na tungkol sa iyong aktibidad sa labas ng Pinterest mula sa aming mga affiliate, advertiser, partner at iba pang third party na nakakatrabaho namin. Halimbawa:
Makokontrol mo kung paano namin ginagamit ang impormasyong ito para i-personalize ang iyong karanasan at ang mga ad na nakikita mo sa Pinterest sa iyong
Nakatuon kami sa pagpapakita sa iyo ng content na may kaugnayan, ayon sa iyong interes at personal sa iyo. Para magawa iyon, ginagamit namin ang iyong impormasyon para maghatid at pagandahin ang iyong experience, tulad ng mga ito:
Ginagamit namin ang iyong impormasyon sa aming pagsisikap na mapaganda ang aming Mga Serbisyo, mapanatiling ligtas ang aming mga user at ang publiko, at para protektahan ang mga legal na interes. Para magawa ito:
Ginagamit din namin ang iyong impormasyon para mag-personalize ng mga ad na nakikita mo
Partikular, ginagamit namin ang impormasyon na kinokolekta namin para:
Ang ilan sa mga aktibidad na ito ay maaaring ituring na “targeted advertising” ““sharing” o “selling” dahil ang mga salitang iyon ay nakatakda sa ilalim ng ilang partikular na batas ng state sa privacy ng mga estado sa US. Puwede kang mag-opt out sa paggamit at pag-disclose ng iyong impormasyon ng Pinterest para sa mga layuning ito. Para gawin ito, bisitahin ang iyong
Kapag gumagamit kami ng cookies para malaman ang iyong gawi sa loob o labas ng aming mga serbisyo, hihingi kami o ang aming mga partner ng inyong pahintulot alinsunod sa naaangkop na batas. Para malaman pa ang tungkol sa kung paano kami gumagamit ng cookies, mangyaring tingnan ang aming
Naaangkop lang ang seksyon sa ibaba para sa mga residente sa EEA, Switzerland, at UK. Sa ilalim ng naaangkop na batas sa proteksyon ng data sa European Region (tulad ng GDPR), ang mga kumpanya ay dapat magkaroon ng legal justification para maproseso ang iyong impormasyon para sa iba't ibang layunin na nakasaad sa Patakaran sa Privacy na ito.
Mayroon ka ring mga partikular na karapatan na magagamit mo depende sa kung anong legal na batay na gagamitin namin, at ipinaliwanag namin ang mga ito sa ibaba.
Ang aming mga lehitimong interes o sa mga lehitimong interes ng third party kung saan hindi ito mas matimbang sa iyong mga interes at mga mahalagang karapatan ang ginagamit naming basehan sa aming mga gawain.
Para magpakita sa iyo ng content na nauugnay, interesante at personal sa iyo:
- Kinikilala ka kapag ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo.
- Nagrerekomenda kami ng mga Pin, board, topic o content na maaari mong magustuhan batay sa iyong aktibidad sa aming Mga Serbisyo. Halimbawa, kung makikipag-ugnayan ka sa content sa Pinterest na may kaugnayan sa pagluluto, maaari kaming magmungkahi ng mga Pin at board na may kaugnayan sa pagkain.
- Kino-customize namin ang iyong experience sa Pinterest batay sa iyong gawi sa labas ng site. Halimbawa, kung bibisitahin mo ang mga website na nagbebenta ng mga electric na gitara, maaari kaming magmungkahi ng mga Pin ng gitara sa iyo.
Mga lehitimong interes na ginagamit namin bilang basehan
Interes ng Pinterest at interes ng mga user ng Pinterest na makatangap ng ng naka-personalize, natatangi at nauugnay na offering, kaya ginagamit ng mga user ang Serbisyo.
Mga kategorya ng impormasyon na ginagamit
- Impormasyon ng account (hindi kasama ang lahi o etnisidad)
- Content
- Impormasyon ng lokasyon
- Log data
- Impormasyon mula sa cookie data at mga katulad na teknolohiya (Para malaman pa ang tungkol sa kung paano kami gumagamit ng cookies, mangyaring tingnan ang aming Patakaran sa Cookie)
- Impormasyon ng device
- Usage data at mga inference
- Mga pagpipilian ng user
- Datos mula sa iba pang pinagkunan (mga third party platform; mga technical service partner; mga advertiser at iba pang mga partner)
Para bumuo ng iyong community sa aming Mga Serbisyo, kami ay:
- Magmungkahi ng ibang taong may parehong mga interes. Halimbawa, kung ifa-follow mo ang mga board na pang-interior design, maaari kaming magmungkahi ng mga interior designer na maaari mong magustuhan.
- Tumutulong sa iyong mga kaibigan at contact na mahanap ka sa Pinterest. Halimbawa, kung magsa-sign up ka gamit ang Facebook account, matutulungan namin ang iyong mga kaibigan sa Facebook na mahanap ka sa Pinterest sa una nilang pag-sign up sa Pinterest. O puwedeng hanapin ng mga tao ang iyong account sa Pinterest gamit ang iyong email. Kung pipiliin mong i-sync ang iyong mga contact sa Pinterest acount mo, ia-access namin ang mga contact na naka-store sa iyong device para tulungan kang malaman kung nasa aming Mga Serbisyo ang iyong mga contact.
Mga lehitimong interes na ginagamit namin bilang basehan
Interes namin na tulungan kang gumawa ng mga koneksyon na maaaring kilala mo para maghatid ng nauugnay at natatanging Serbisyo.
Mga kategorya ng impormasyon na ginagamit
- Impormasyon ng account (hindi kasama ang lahi o etnisidad)
- Content
- Impormasyon ng lokasyon
- Ang iyong mga contact
- Log data
- Impormasyon mula sa cookie data at mga katulad na teknolohiya (Para malaman pa ang tungkol sa kung paano kami gumagamit ng cookies, mangyaring tingnan ang aming Patakaran sa Cookie)
- Impormasyon ng device
- Usage data at mga inference
- Mga pagpipilian ng user
- Datos mula sa iba pang pinagkunan (mga third party platform; mga technical service partner; mga advertiser at iba pang mga partner)
Para magawa at mapanatiling ligtas ang Pinterest, kami ay:
- Makipagtulungan sa tagapagpatupad ng batas para mapanatiling ligtas ang Pinterest. Maaari kaming tumanggap ng mga kahilingang magbigay ng impormasyon ng account mula sa mga awtoridad na nagpapatupad ng batas tulad ng pulisya o mga korte. Para malaman ang higit pa tungkol sa kung paano kami tumutugon sa mga kahilingang mula sa mga tagapagpatupad ng batas, pakibasa ang aming Mga Patnubay sa Pagpapatupad ng Batas.
- Sinusuri ang log data ng mga user at impormasyon ng device para matukoy at maimbestigahan ang kahina-hinalang gawi o paglabag ng aming mga patakaran o Mga Tuntunin.
- Suriin ang iyong aktibidad at mga mensahe sa aming Mga Serbisyo para makita ang spam o aktibidad na nagdudulot ng panganib sa kaligtasan mo, ng aming community at/o mga miyembro ng publiko.
Mga lehitimong interes na ginagamit namin bilang basehan
- Para sa kapakanan namin at ng mga user ng Pinterest, sine-secure namin ang mga system ng Pinterest at nilalabanan ang spam, mga threat, pang-aabuso o mga lumalabag na aktibidad at pino-promote ang kaligtasan at segruidad sa Pinterest.
- Para rin sa kapakanan namin at ng iba pang mga user na tiyaking ginagamit ang aming Mga Serbisyo nang ayon sa aming Mga Tuntunin.
Mga kategorya ng impormasyon na ginagamit
Ang aktwal na impormasyon na ginagamit ay depende sa mga sitwasyon ayon sa impormasyon, pero maaaring kasama rito ang alinman sa mga sumusunod:
- Impormasyon ng account (hindi kasama ang lahi o etnisidad)
- Content
- Impormasyon ng lokasyon
- Ang iyong mga komunikasyon sa amin
- Log data
- Impormasyon mula sa cookie data at mga katulad na teknolohiya (Para malaman pa ang tungkol sa kung paano kami gumagamit ng cookies, mangyaring tingnan ang aming Patakaran sa Cookie)
- Impormasyon ng device
- Usage data at mga inference
- Mga pagpipilian ng user
- Datos mula sa iba pang pinagkunan (mga third party platform; mga technical service partner; mga advertiser at iba pang mga partner)
Para pagandahin, gawing makabago at ayusin ang aming Mga Serbisyo, kami ay:
- Gumawa ng analytics kung sino ang mga gumagamit ng Pinterest at ano ang kanilang ginagawa. Halimbawa, sa pamamagitan ng pag-log kung ilang beses ginagamit ng mga tao ang dalawang magkaibang bersyon ng feature sa Pinterest, maiintindihan namin kung aling bersyon ang mas maganda.
- Pinapaganda namin ang mga produkto at serbisyo ng aming family of companies at magbigay ng mga bagong feature. Halimbawa, gamit ang impormasyon para sanayin, ayusin at pagandahin ang aming teknolohiya tulad ng aming mga machine learning model. Ang ilan sa impormasyong ito ay maaaring aggregated or de-identified.
Mga lehitimong interes na ginagamit namin bilang basehan
Interes ng Pinterest at interes ng mga user ng Pinterest na, pinagaganda, pino-promote at inaayos namin ang Serbisyo sa paraan na nagbibigay ng kaalaman.
Mga kategorya ng impormasyon na ginagamit
- Impormasyon ng account (hindi kasama ang lahi o etnisidad)
- Content
- Impormasyon ng lokasyon
- Ang iyong mga komunikasyon sa amin
- Log data
- Impormasyon mula sa cookie data at mga katulad na teknolohiya (Para malaman pa ang tungkol sa kung paano kami gumagamit ng cookies, mangyaring tingnan ang aming Patakaran sa Cookie)
- Impormasyon ng device
- Usage data at mga inference
- Mga pagpipilian ng user
- Datos mula sa iba pang pinagkunan (mga third party platform; mga technical service partner; mga advertiser at iba pang mga partner)
Para humingi ng legal na payo o protektahan ang Pinterest sa litigation o iba pang dispute:
- Pinapanatili at ibinabahagi namin ang impormasyon kapag humihingi kami ng legal na payo o gusto naming protektahan ang aming mga sarili sa konteksto ng litigation at iba pang dispute. Kasama rito ang mga paglabag ng aming Mga Tuntunin at patakaran.
Mga lehitimong interes na ginagamit namin bilang basehan
- Interes ng Pinterest at interes ng mga user ng Pinterest kami sa mga reklamo, pinipigilan at tinutugunan ang fraud, walang pahintulot na paggamit ng Pinterest, mga paglabag ng aming Mga Tuntunin at patakaran, o iba pang mapaminsala o labag sa batas na aktibidad.
- Interes naming humihingi ng legal na payo at pinoprotektahan ang aming mga sarili (kasama ang aming mga karapatan, tauhan, property o mga produkto), ang aming mga user o iba pa, kasama ang sitwasyong bahagi ng mga imbestigasyon o regulatory inquiries at litigation o iba pang dispute.
Mga kategorya ng impormasyon na ginagamit
Ang aktwal na impormasyong ginamit ay depende sa mga sitwasyon ayon sa impormasyon, pero maaaring kasama rito ang alinman sa mga sumusunod:
- Impormasyon ng account (hindi kasama ang lahi o etnisidad)
- Content
- Impormasyon ng lokasyon
- Ang iyong mga komunikasyon sa amin
- Log data
- Impormasyon mula sa cookie data at mga katulad na teknolohiya (Para malaman pa ang tungkol sa kung paano kami gumagamit ng cookies, mangyaring tingnan ang aming Patakaran sa Cookie)
- Impormasyon ng device
- Usage data at mga inference
- Mga pagpipilian ng user
- Datos mula sa iba pang pinagkunan (mga third party platform; mga technical service partner; mga advertiser at iba pang mga partner)
Para makipag-ugnayan sa iyo, kami ay:
- Sagutin ang iyong mga katanungan o mga komentaryo.
- Nagpapadala kami ng mga update (tulad ng kapag may partikular na aktibidad, tulad ng mga pag-save o komento, na nangyari sa Pinterest) at balita sa pamamagitan ng email o push notification, depende sa iyong mga setting. Halimbawa, nagpapadala kami ng mga update linggu-linggo na may kasamang mga Pin na baka magustuhan mo. Depende kung saan ka nakatira, ito ay maaaring marketing at sa ilang sitwasyon ay hihingiin namin ang pahintulot mo. Puwede kang magpasya na huwag nang makakuha ng mga notification na ito sa pamamagitan ng pag-update sa iyong mga setting.
Mga lehitimong interes na ginagamit namin bilang basehan
- Interes ng Pinterest at interes ng mga user ng Pinterest na patuloy naming pinapaganda at inaayos ang customer support na ibinibigay namin.
- Interes ng Pinterest at interes ng mga user ng Pinterest na matutunan ang bagong feature at elements na maaaring maging sang-ayon sa kanilang interes.
Mga kategorya ng impormasyon na ginagamit
- Impormasyon ng account (hindi kasama ang lahi o etnisidad)
- Content
- Impormasyon ng lokasyon
- Ang iyong mga komunikasyon sa amin
- Log data
- Impormasyon mula sa cookie data at mga katulad na teknolohiya (Para malaman pa ang tungkol sa kung paano kami gumagamit ng cookies, mangyaring tingnan ang aming Patakaran sa Cookie)
- Impormasyon ng device
- Usage data at mga inference
- Mga pagpipilian ng user
- Datos mula sa iba pang pinagkunan (mga third party platform; mga technical service partner; mga advertiser at iba pang mga partner)
Para maghatid ng advertising na nauugnay, ayon sa interes, at personal sa aming Mga Serbisyo, kami ay:
- Nagpapasya kami kung aling mga ad ang ipapakita sa iyo batay sa impormasyon na nasa aming Mga Serbisyo. Halimbawa, kung magpapakita ka ng interes sa mga camping tent sa Pinterest, maaari kaming magpakita sa iyo ng mga ad para sa iba pang mga produktong outdoors.
Mga lehitimong interes na ginagamit namin bilang basehan
Interes ng Pinterest at interes ng mga user ng Pinterest na tumatanggap kami ng mga may kaugnayan at sang-ayon sa interes na advertisement para sa mga produkto o serbisyo na kinikilingan nila, salungat sa pagtanggap ng randomized at mga pangkalahatang ad na maaaring wala silang interes. Ito rin ang pangunahing nagpopondo sa serbisyo at pinapayagan ang mga user na patuloy na ma-enjoy ang serbisyo nang walang bayad at pinapayagan ang Pinterest na kumita ng revenue.
Mga kategorya ng impormasyon na ginagamit
- Impormasyon ng account (hindi kasama ang lahi o etnisidad)
- Content
- Impormasyon ng lokasyon
- Ang iyong mga komunikasyon sa amin
- Log data
- Impormasyon mula sa cookie data at mga katulad na teknolohiya (Para malaman pa ang tungkol sa kung paano kami gumagamit ng cookies, mangyaring tingnan ang aming Patakaran sa Cookie)
- Impormasyon ng device
- Usage data at mga inference
- Mga pagpipilian ng user
- Datos mula sa iba pang pinagkunan (mga third party platform; mga technical service partner; mga advertiser at iba pang mga partner)
Para magbigay ng measurement at ad analytics:
- Gumagamit kami ng aggregated na impormasyon mula sa aming mga measurement provider para sabihin sa aming mga ad partner ang performance ng kanilang mga ad sa Pinterest, at kung paano nila ito mas mapapaganda. Halimbawa, ire-report namin sa advertiser ang partikular na porsyento sa mga taong tumingin sa Pin at bumisita sa site ng advertiser. Para malaman pa ang tungkol sa pagre-report sa mga ad mangyaring bisitahin ang Help Center.
Mga lehitimong interes na ginagamit namin bilang basehan
Interes namin na payagan ang mga account na para sa negosyo at advertiser na maunawaan ang naging performance ng kanilang mga ad o content at ang audience na tumingin o nakipag-interact sa kanilang mga ad o content. Ito ay para makagawa sila ng mga desisyon na may kaalaman (tulad ng kung anong mga uri ng mga ad campaign ang maaaring gustuhin nilang i-run, ang uri ng audience na gusto nilang maabot at ang mga uri ng content na pinaka na-eenjoy ng mga user). Ito rin ay para sa interest ng iba pang user dahil tumutulong ito na mapanatiling nauugnay at nakakawili ang pag-a-advertise at iba pang content na ipinapakita namin sa mga user, at pinapanatiling libre ang Serbisyo para sa lahat ng user.
Mga kategorya ng impormasyon na ginagamit
- Impormasyon ng account (hindi kasama ang lahi o etnisidad)
- Content
- Impormasyon ng lokasyon
- Log data
- Impormasyon mula sa cookie data at mga katulad na teknolohiya (Para malaman pa ang tungkol sa kung paano kami gumagamit ng cookies, mangyaring tingnan ang aming Patakaran sa Cookie)
- Impormasyon ng device
- Usage data at mga inference
- Datos mula sa iba pang pinagkunan (mga third party platform; mga technical service partner; mga advertiser at iba pang mga partner)
Para magpakita ng mga ad, na wala sa Pinterest, na nauugnay, ayon sa interes at personal sa iyo tungkol sa Pinterest:
-
Nag-a-advertise kami ng mga produkto at serbisyo ng Pinterest sa iyo sa iba pang mga site. Para gawin ito, dini-disclose namin ang impormasyon tulad ng mga cookie ID, ang iyong IP address, at naka-hash na bersyon ng iyong email address sa mga serbisyong ginagamit namin para i-market sa iyo ang Pinterest sa mga site at app maliban sa Pinterest, tulad ng mga Facebook Ad, Google Marketing Platform, at iba pa.
Mga lehitimong interes na ginagamit namin bilang basehan
Mayroon kaming lehitimong interes sa pagpapakita ng mga ad na nauugnay, sang-ayon sa inyong interes at personal sa iyo para kumita.
Mga kategorya ng impormasyon na ginagamit
- Impormasyon ng account (hindi kasama ang lahi o etnisidad)
- Content
- Impormasyon ng lokasyon
- Log data
- Impormasyon mula sa cookie data at mga katulad na teknolohiya (Para malaman pa ang tungkol sa kung paano kami gumagamit ng cookies, mangyaring tingnan ang aming Patakaran sa Cookie)
- Impormasyon ng device
- Usage data at mga inference
- Mga pagpipilian ng user
- Datos mula sa iba pang pinagkunan (mga third party platform; mga technical service partner; mga advertiser at iba pang mga partner)
Bakit at paano namin ginagamit ang iyong impormasyon
Para sumunod sa mga legal at regulatory obligation
- Pag-access, pag-store, pagpapanatili o pagbabahagi ng impormasyon kapag ginagawa ito bilang pagtugon sa utos ng hukuman, search warrant, order mula sa production, subpoena o katulad na legal request.
- Pag-access, pag-store, pagpapanatili o pagbabahagi ng impormasyon kapag sa tingin namin ay makatwirang kinakailangan para sumunod sa mga legal o regulatory obligation, kasama ang pagbabahagi sa law enforcement o iba pang mga awtoridad.
- Para harapin at lutasin ang mga request at reklamo. Nagpapanatili kami ng pakikipag-ugnayan na may kaugnayan sa mga data subject request sa ilalim ng GDPR sa loob ng dalawang taon, kung sakaling hindi malulutas ang mga request na iyon at kinakailangan ang pakikipag-ugnayan na ito para ma-manage ang anumang magreresultang reklamo. Sa ganitong mga sitwasyon, pananatilihin ang pakikipag-ugnayan habang nilulutas ang mga reklamong iyon.
Kasama sa mga halimbawa ng mga batas na maaaring humiling sa amin na magproseso ng impormasyon nang ayon sa paraan na nasa itaas ay ang:
- Mga bagay kaugnay sa regulasyon: para sumunod sa mga regulatory obligation tulad ng sa ilalim ng mga batas sa privacy (GDPR).
- Mga bagay na sibil, komersyal, kriminal, o kaugnay sa proteksyon ng consumer: kung makakatanggap kami ng utos ng hukuman na i-disclose ang impormasyon para sa mga layunin ng mga proceeding sa hukuman o mga inquiry ng regulasyon (hal. mga utos o mga mandatory request sa ilalim ng Irish Competition and Consumer Protection Act 2014, GDPR).
- Mga bagay na kaugnay sa corporate matters at pagbubuwis: mga obligasyon tulad ng Irish Companies Act 2014 at ang Taxes Consolidation Act 1997.
Mga isyu na nauugnay sa kaligtasan ng aming Serbisyo at para protektahan ang mga karapatan, property at mga user
- Pinapanatili namin ang impormasyon kung saan kinakailangan ito para imbestigahan ang maling paggamit ng aming Mga Serbisyo, tulad ng spam at iba pang hindi magandang karanasan. Kung idi-disable namin ang account dahil sa paglabag ng aming Mga Tuntunin, pinapanatili rin namin ang impormasyon tungkol sa user na iyon para sa kaligtasan, seguridad at integridad.
Mga kategorya ng impormasyon na ginagamit
Anumang kategorya ng impormasyon na nakalista sa “Kinokolekta Namin ang Impormasyon sa ilang iba't ibang paraan” maliban para sa impormasyon tungkol sa Eksaktong lokasyon (na hindi namin kinokolekta sa mga user na nasa EEA, Switzerland, o UK).
Paano at bakit namin ginagamit ang iyong impormasyon
Kung saan bibigyan mo kami ng pahintulot (halimbawa sa pamamagitan ng settings ng iyong device):
- Pagpapahintulot sa paghahanap gamit ang mga litrato. Halimbawa, kung kukuha ka ng litrato ng isang pares ng sapatos o piraso ng furniture na gusto mo, puwede mong hingin sa amin na magpakita sa iyo ng mga katulad na item. Puwede kang mag-opt in dito sa settings ng operating system ng iyong device.
- Mga ad sa Pinterest batay sa mga aktibidad sa labas ng site. Kino-customize namin ang ad content na ipinapakita namin sa iyo sa pamamagitan ng pagtukoy sa iyong mga interes batay sa mga aktibidad mo sa labas ng site, pati rin sa pamamagitan ng paggamit ng impormasyon na natatanggap namin mula sa mga ad partner o iba pang mga third party. Kung saan magbabahagi sa amin ang mga ad partner o iba pang mga third party ng impormasyon na tungkol sa iyo, ang basehan ng aming gawain ay mula sa pahintulot na nakuha na nila.
- Mga lead ad. Kung magsa-submit ka ng impormasyon sa pamamagitan ng lead ad form (halimbawa, para mag-sign up para sa mailing list ng advertiser o para kumonsulta), ibabahagi namin ang impormasyong iyon sa advertiser gaya ng inilarawan sa form.
- Pag-promote ng mga Creator. Kung pipiliin mong magbigay ng impormasyon tungkol sa lahi o etniko, gagamitin namin ito para i-promote ka bilang Creator, halimbawa sa panahon ng Black History Month, o kokontakin ka namin tungkol sa mga event.
Mga kategorya ng impormasyon na ginagamit
Anumang kategorya ng impormasyon na nakalista sa “Kinokolekta Namin ang Impormasyon sa ilang iba't ibang paraan” maliban para sa impormasyon tungkol sa Eksaktong lokasyon (na hindi namin kinokolekta sa mga user na nasa EEA, Switzerland, o UK).
Dahil basehan namin ang iyong pahintulot, maaari mong bawiin ang iyong pahintulot anumang oras.
Binibigyan ka namin ng ilang mga pagpipilian para makontrol ang iyong data. Depende sa kung saan ka nakatira (hal., EEA, Switzerland, UK, US), ang mga pagpipilian na ito ay maaaring mga karapatan sa privacy din na mayroon ka sa ilalim ng lokal na batas. Para gamitin ang mga karapatang ito, mangyaring puntahan ang iyong
Kung nakatira ka sa EEA, UK, o Switzerland, mayroon ka ring mga karagdagang karapatan:
- Karapatan para tumutol o i-restrict ang pagproseso: Puwede kang tumutol sa direct marketing mula sa amin o kung saan kami ay gumagalaw ayon sa mga lehitimong interes para iproseso ang iyong impormasyon. Maaari kang tumutol sa pamamagitan ng form na ito.
- Karapatan para bawiin ang pahintulot: Dahil basehan namin ang inyong pahintulot bilang legal na batayan para sa pagpoproseso ng iyong data, maaari mong bawiin ang iyong pahintulot sa anumang bahagi. Ang makatwirang pagpoproseso ng Pinterest alinsunod sa batas bago mo bawiin ang iyong pahintulot ay hindi maaapektuhan ng nasabing pagbawi.
- Karapatan sa portability: Maaari mong hilinging ipadala sa ibang organisasyon ang impormasyong ibinigay mo sa amin, kung saan pinapanatili namin ang impormasyong ito nang may pahintulot mo o para sa pagsasagawa ng kontrata sa iyo, at, kung saan teknikal na magagawa namin ito.
- Karapatan para maghain ng reklamo: Kung nakatira ka sa EEA, Switzerland, at UK, may karapatan kang maghain ng reklamo sa supervisory authority ng iyong bansa.
- Sa UK, ang may kaugnayang awtoridad para sa proteksyon ng data ay ang Information Commissioner's Office, Wycliffe House, Water Lane, Wilmslow, Cheshire, SK9 5AF, +44 (0303) 123 1113, email: casework@ico.org.uk.
- Sa Ireland, ang may kaugnayang awtoridad para sa proteksyon na data ay ang Data Protection Commission, 21 Fitzwilliam Square South, Dublin 2, D02 RD28, +353 017650100 / + 353 1800437737, email: info@dataprotection.ie o sa pamamagitan ng paggamit ng sumusunod na online form: Mga Form para sa Proteksyon ng Data.
Hindi ka namin didiskriminahin kung pipiliin mong gamitin ang iyong mga karapatan o opsyon na may kaugnayan sa iyong personal na impormasyon. Ang mga karapatang ito ay maaaring limitado, halimbawa, kung maghahayag ng personal na datos tungkol sa ibang tao ang pagtupad sa iyong request, kung saan lalabagin ng mga ito ang mga karapatan ng third party (kasama ang aming mga karapatan) o kung hihilingin mo sa aming i-delete ang impormasyon kung saan obligasyon namin alinsunod sa batas na panatilihin ito o mayroong lehitimong interes para panatilihin ito. Kung tatanggihan namin ang iyong request na gamitin ang iyong mga karapatan, maaaring mayroon kang karapatang iapela ang aming desisyon sa pamamagitan ng pagkontak sa amin gamit ang privacy-support [at] pinterest.com (privacy-support[at]pinterest[dot]com).
Mayroon kang mga pagpipilian tungkol sa iyong impormasyon sa Pinterest. Kung mayroon kang Pinterest account, marami sa mga kontrol na ito ang direktang binubuo sa Pinterest o sa iyong mga setting. Halimbawa, puwede mong:
Maaaring mayroon ka ring mga mapagpipilian sa pamamagitan ng device o software na ginagamit mo para ma-access ang Pinterest. Halimbawa:
Makikita ng sinuman ang pampublikong content na pino-post mo, tulad ng mga board at Pin na ginagawa mo at ang impormasyon ng naka-public na profile na ibinibigay mo sa amin. Depende kung saan ka nakatira, ginagawa rin naming available ang pampublikong impormasyon na ito sa pamamagitan ng tinatawag na mga API (isang teknikal na paraan para mabilis na magbahagi ng impormasyon). Halimbawa, puwedeng pag-aralan ng isang partner kung ano ang pinakasikat nilang Mga Pin o kung paano ibinabahagi ang kanilang mga Pin sa Pinterest sa pamamagitan ng paggamit ng Pinterest API. Ibinabahagi rin namin ang mga kategorya ng imormasyong inilarawan sa itaas:
Ang Pinterest ay isang serbisyo pang-buong mundo. Sa pamamagitan ng paggamit ng aming mga produkto o mga serbisyo, pinapahintulutan mo kami upang ilipat at itatago ang iyong impormasyon sa labas ng iyong bansa, kasama ang sa Estados Unidos, sa dahilan na inilarawan dito sa patakarang ito. Ang pribadong proteksyon at ang mga karapatan ng mga awtoridad upang maka-access sa iyong personal na impormasyon sa mga bansa na maaring hindi magkapantay sa anuman ang nasa iyong bansa.
Kung nakatira ka sa EEA, Switzerland, o UK, gumagamit kami ng mga karagdagang hakbang na may kaugnayan sa mga pag-transfer ng datos. Ang impormasyong kinokontrol ng Pinterest Europe Limited ay ita-transfer o ipapadala sa, o ini-store at pinoproseso sa, United States o iba pang mga bansa sa labas ng kung saan ka nakatira para sa mga layunin gaya ng inilarawan sa patakarang ito. Pakitandaan na kinakailangan ang mga pag-transfer ng datos na ito para ibigay ang mga serbisyong nakasaad sa aming Mga Tuntunin at para mag-operate sa buong mundo.
Dahil pandaigdigang serbisyo ang Pinterest, maaari naming i-transfer ang personal na data ng mga residente ng EEA, Switzerland at UK sa bansa na nasa labas ng EEA, Switzerland o UK. Kung saan kami magta-transfer ng impormasyon mula sa EEA, Switzerland o UK sa isang bansa na hindi nagbibigay ng sapat na antas ng proteksyon, gagawin lang namin ito sa ilalim ng naaangkop na mga proteksyon para protektahan ang iyong impormasyon.
Ang mga proteksyon na inaasahan namin sa pagtiyak na ang iyong mga benepisyo sa impormasyon mula sa sapat na antas ng proteksyon ay kabibilangan ng mga sumusunod:
- Mga adequacy decision. Ang mga desisyon na ito ay ibinibigay mula sa European Commission sa ilalim ng Article 45 GDPR (o katumbas na mga desisyon sa ilalim ng iba pang mga batas) kung saan kinikilala nila na nagbibigay ang isang bansa ng sapat na antas ng proteksyon ng data. Tina-transfer namin ang iyong impormasyon gaya ng inilarawan sa “Kung paano namin ginagamit ang impormasyong kinokolekta namin” sa ilang bansa na may mga nasabing adequacy decision, tulad ng mga bansang nakalista rito; or
- Mga standard contractual clause (“Mga SCC”). Inaprubahan ng European Commission ang mga contractual clause sa ilalim ng Article 46 ng GDPR na nagpapahintulot sa mga kumpanya sa EEA na mag-transfer ng data sa labas ng EEA. Ang mga ito (at ang kanilang aprubadong katumbas para sa UK at Switzerland) ay tinatawag na mga standard contractual clause. Umaasa kami sa mga standard contractual clause para mag-transfer ng impormasyon gaya ng inilalarawan sa “Paano namin ginagamit ang impormasyong kinokolekta namin” sa ilang entity sa aming grupo ng mga kumpanya at mga third party sa mga bansa nang walang adequacy decision.
- Habang ang mga pag-transfer sa mga bansa na walang adequacy decision ay karaniwang nagaganap batay sa mga SCC, sa ilang sitwasyon, maaari ring maganap ang mga pag-transfer batay sa mga exemption na ibinigay sa ilalim ng batas sa proteksyon ng data. Halimbawa, ang pagbabahagi sa nagpapatupad ng batas, sa mga pang-emergency na sitwasyon kung saan malalaman naming nanganganib ang buhay ng isang tao.
Tinutukoy at ginagamit din namin ang mga karagdagang proteksyon gaya ng naaangkop para sa bawat pag-transfer ng datos. Halimbawa, gumagamit kami ng:
- mga teknikal na proteksyon, tulad ng pag-encrypt at pseudonymisation; at
- mga patakaran at proseso para hamunin ang hindi proporsyon o labag sa batas na mga request para sa awtoridad ng gobyerno.
Para sa kopya ng mga adequacy decision na ito o mga SCC, mangyaring kontakin kami sa pamamagitan ng mga detalyeng ibinigay sa Kontakin kami na seksyon sa ibaba.
Pinapanatili lang namin ang iyong impormasyon hangga't kailangan namin ito para ibigay sa iyo ang Pinterest at gawin ang mga layuning inilarawan sa patakaran na ito. Kapag hindi na namin kailangang gamitin ang iyong impormasyon at hindi na namin ito kailangang panatilihin para sumunod sa aming mga obligasyon sa batas o regulasyon, aalisin namin ito sa aming mga system o ide-depersonalize ito para hindi na namin ito magamit para makilala ka.
Kung nakatira ka sa EEA, UK o Switzerland, narito ang ilang karagdagang impormasyon sa aming mga kasanayan sa pagpapanatili: Pinapanatili lang namin ang iyong impormasyon hangga't kinakailangan para sa mga layuning tinukoy sa Patakaran sa Privacy na ito, na kinabibilangan ng pagbibigay ng aming Serbisyo, o para sa iba pang lehitimong layunin, tulad ng pagsunod sa mga obligasyon sa batas, pagpapatupad at pagpigil sa mga paglabag ng aming Mga Tuntunin, para labanan ang spam, o protektahan o depensahan ang aming mga karapatan, property at mga user. Ang mga panahon ng pag-store ay tinutukoy ayon sa bawat kaso. Pinapanatili namin ang impormasyon sa account, tulad ng iyong pangalan, email address, at password, hangga't mayroon kang account dahil kailangan namin ito para ma-operate ang account mo.
Ang mga batang wala pa sa edad na 13 gulang ay hindi pinapayagang gumamit ng Pinterest. Kung ikaw ay nasa isang estado o bansa na may requirement na mas matandang edad, maaari mo lang gamitin ang Mga Serbisyo kung ikaw ay nasa edad o mahigit sa edad na maaari kang magbigay ng pahintulot para sa pagpoproseso ng data. Pakibisita ang
Maaari naming baguhin ang patakarang ito paminsan-minsan at kung gagawin namin ito, ipo-post namin ang anumang pagbabago sa page na ito. Kung patuloy mong gagamitin ang Pinterest pagkatapos magkabisa ang mga pagbabagong iyon, magagamit sa iyo ang bagong patakaran. Kung malaki ang mga pagbabago, maaari kaming magbigay ng mas kapansin-pansin na abiso, tulad ng pagpapadala sa iyo ng email.
Ang pinakamagandang paraan para makipag-ugnayan sa amin o para gamitin ang iyong mga opsyon na inilalarawan sa itaas ay sa pamamagitan ng
Maari mo din kontakin ang aming
Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa Agosto 1, 2023