Iginagalang ng Pinterest ang intellectual property rights ng iba at inaasahan namin ang mga tao na nasa Pinterest na gawin din ito.

Sa pagsunod sa Digital Millennium Copyright Act (DMCA), na mababasa mo sa website ng US Copyright Office, mabilis kaming tutugon sa mga claim ng copyright infringement sa Pinterest na nire-report sa aming itinalagang copyright agent, na tinukoy sa ibaba.

Kung ikaw ay may-ari ng copyright o awtorisadong kumilos sa ngalan ng isa, puwede kang mag-report ng sinasabing mga copyright infringement sa Pinterest sa pamamagitan ng pagkumpleto ng copyright report at pagpapadala nito sa aming itinalagang copyright agent.

Kapag natanggap namin ang iyong copyright report, gagawa kami ng naaangkop na aksyon, na maaaring kabilangan ng pag-disable o pag-alis ng access sa ni-report na content sa Pinterest. 

Kung idi-disable o aalisin namin ang access sa content bilang pagtugon sa report ng copyright infringement, maaari naming abisuhan ang taong nag-save nito sa Pinterest para mayroon siyang pagkakataong magpadala ng counter notification. Maaari rin kaming magpadala ng kumpletong kopya ng abiso sa iba, gaya ng naaangkop.  

Mag-submit ng report ng copyright infringement

Para mag-submit ng report ng copyright infringement, punan lang ang aming form sa pagre-report ng copyright.

Punan ang form para sa reklamo sa copyright

Kung mas gusto mong gamitin ang form na ito, mangyaring ipadala ang sumusunod na impormasyon sa aming itinalagang copyright agent:

1. Pagtukoy ng may copyright na gawa na pinaniniwalaan mong nilabag.

2. Pagtukoy ng content sa Pinterest na sinasabi mong lumalabag ng iyong mga karapatan, kasama ang impormasyon na kailangan namin para tulungan kaming mahanap ito, tulad ng URL sa content sa Pinterest.

3. Ang iyong address para sa sulat, numero ng telepono at email address.

4. Ang parehong statement na ito ay nasa nilalaman ng iyong abiso:

  • "Sa pamamagitan nito, sinasabi ko na ang na-dispute na paggamit ng mga naka-copyright na materyal o reference o link sa nasabing materyal ay pinaniniwalaan kong hindi awtorisado ng may-ari ng copyright, agent nito, o ng batas (halimbawa, bilang patas na paggamit)."
  • "Sa pamamagitan nito, sinasabi ko na ang impormasyon sa abisong ito ay tama at, sa ilalim ng parusa sa pagsisinungaling, ako ang may-ari o awtorisadong kumilos sa ngalan ng may-ari ng copyright o ng eksklusibong karapatan sa ilalim ng copyright na sinasabing nilabag."
  • 5. Ang iyong buong legal na pangalan at ang elektroniko o aktwal na pirma (halimbawa, sa pamamagitan ng pag-type ng iyong buong pangalan).

    Kung isang image ang gawa na nire-report mo, maaari mong hilingin sa aming alisin ang lahat ng kopya ng image. Sa simula ng iyong report, hilingin lang sa amin na “alisin ang lahat ng Pin na may image.” Pakitandaan na maaari lang namin alisin ang mga katulad na kopya ng isang image—kung ni-resize o binago ang isang image file, hindi namin ito mahahanap o maaalis. 

    Ipadala ang nakumpleto mong copyright report sa:

    Pinterest Copyright Agent

    651 Brannan Street

    San Francisco, CA 94107-1532

    Fax: +1 415 762 7100

    Email: copyright [at] pinterest.com (copyright[at]pinterest[dot]com)

    Dapat lang gamitin ang email address na ito para sa mga copyright infringement report. Kung kailangan mong makipag-ugnayan sa amin para iba pang dahilan, mangyaring bisitahin ang aming Help Center.

    Tandaan: May mga potensyal na legal at pampinansyal na kahihinatnan para sa mapandaraya o may masamang hangarin na mga report ng copyright infringement. Bago mag-submit ng copyright report, siguruhing pinaniniwalaan mong lumalabag ang ni-report na content, kasama ang pagsasaalang-alang ng patas na paggamit, at na nauunawaan mo ang mga kahihinatnan ng pagsu-submit ng maling report.

    Paano kung inalis ang aking content batay sa report ng copyright infringement?

    Kung nakatanggap ka ng notification na inalis ang iyong content batay sa report ng copyright infringement, ibig sabihin nito nag-submit ang may-ari ng copyright ng kumpleto at valid na report na hinihiling sa aming alisin ito. Kung gusto mong ipasa namin ang impormasyon mula sa copyright report na iyon, magpadala lang ng email sa amin sa copyright [at] pinterest.com (copyright[at]pinterest[dot]com) para ipaalam sa amin (maaari naming alisin ang ilang personal na impormasyon sa pakikipag-ugnayan). 

    Kung aalisin ang content ng iyong account batay sa napakaraming copyright infringement report, maaari kang mawalan ng kakayahang mag-save ng mga Pin sa Pinterest, o maaari naming i-disable ang iyong account nang kasabay nito.

    Kung sa tingin mong nagkamali kami sa pag-alis ng iyong Pin, maaari kang mag-file ng counter notification. Kapag nakatanggap kami ng valid na counter notification, ibabalik namin ang content at aalisin ang reklamo sa record ng iyong account.  

    Tandaan: May potensyal na legal at pinansyal na mga parusa para sa mapanlinlang o bad faith na mga counter notification. Bago magsumite ng counter notification, siguraduhin na may mabuting paniniwala ka na nagkamali kami sa pagtanggal ng nilalaman, at na nauunawaan mo ang mga epekto ng maling mga pagsusumite.

    Paano magsampa ng counter notification

    Kung inalis ang iyong content bilang resulta ng copyright infringement report, makakatanggap ka ng mga instruksyon sa kung paano magsampa ng counter notification sa email notification na ipapadala namin sa iyo. Pakitandaan na dapat ka lang mag-submit ng counter notification  kung naniniwala kang inalis nang mali ang content. 

    Kapag nakatanggap kami ng valid na counter notification, ipapasa namin ito sa partidong nag-report ng content na iyon. Ang matatanggap nilang impormasyon ay may kasamang impormasyon mo sa pakikipag-ugnayan, na maaari nilang gamitin para direkta kang kontakin o gumawa ng karagdagang aksyon na sa tingin nila ay naaangkop.

    Kung ibibigay namin ang iyong counter notification sa partidong nag-report ng content, at hindi nila kami aabisuhan na nagsampa sila ng aksyon sa hukuman o sa Copyright Claims Board na humihingi ng utos na alisin ang content, ibabalik namin ang content. Maaaring umabot nang hanggang 14 na araw ng negosyo ang prosesong ito. 

    Mga uulit na lalabag

    Patakaran namin—sa naaangkop na mag sitwasyon at sa aming pagpapasya—na i-disable o tapusin ang mga account ng mga taong uulit na lalabag o paulit-ulit na pararatangan ng mga lumalabag na copyright o iba pang mga karapatan sa intellectual property. Ang mga user na inalis ang mga Pin alinsunod sa copyright infringement notification na makakatanggap ng mga strike sa patakaran ng Pinterest sa umuulit na lumalabag.

    Iapela ang copyright strike

    Kung inalis ang isa sa iyong mga Pin batay sa copyright infringement report at hindi mo magagawa, o ayaw mong gawin, gawin ang mga representasyon na kinakailangan para mag-submit ng counter notification pero sa tingin mo ginagarantiya ang pag-alis ng copyright strike, maaari kang magbigay ng detalye sa mga sitwasyon sa pamamagitan ng pag-apela sa copyright strike. Susuriin namin ang iyong apela at gagawa ng naaangkop na aksyon.

    Content Claiming Portal

    Dagdag pa sa aming mga channel sa pagre-report ng copyright, nagbibigay din ang Pinterest ng Content Claiming Portal, isang tool na nagpapahintulot sa mga creator na i-claim ang kanilang content at magpasya kung at kung paano ito lalabas sa Pinterest. 

    Ang sinumang nagmamay-ari ng ekslusibong copyright sa content ay maaaring mag-apply para sa access sa Content Claiming Portal. Sinusuri namin ang mga application para malaman kung nararapat ang may-ari ng mga karapatan para sa tool. Kung aaprubahan ang isang application, maa-upload ng may-ari ng mga karapatan ang kanyang orihinal na content at sasabihin sa amin kung gusto niyang lumabas sa Pinterest o hindi ang content. Gagamitin ang napili niyang pagpapatupad sa parehong dati nang mga tumutugma at mga tutugma na idaragdag sa Pinterest. 

    Para alamin pa, bisitahin ang aming article ng Content Claiming Portal.